17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 14

siyang humanap ng mga paraan upang makapaglingkod sa bawat

aspetong iyon. 15

Kung matindi ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga

anak, at mula sa pagkabata nila’y niyakap sila nang buong pagmamahal

at ipinadama sa kanila ang kanyang pagmamahal, naniniwala

ako na ang gayong samahan ay mas tatamis pa sa

kanilang pagtanda. Pananatilihin silang malapit nito kapag kinailangan

ng isang problema sa buhay ng anak ang nagpapayapang

kamay ng isang ama na nakauunawa. Ang ina na sabik na naghihintay

sa gabi sa pag-uwi ng kanyang anak na babae mula sa sayawan

upang mahagkan siya ng anak at marinig niya ang

mahalagang pagkukuwento na may kasabikan at tuwa ng isang

dalagita, ay gagantimpalaang mabuti ng walang-maliw na pagmamahal

ng anak. Ito ang magiging walang hanggang proteksiyon

niya laban sa kasalanan dahil pinagkatiwalaan siya ng kanyang

ina.

Ang mga magulang na masyadong abala o pagod na upang

magambala pa ng kaguluhan ng mga musmos at pinatatabi ang

mga ito o pinalalabas ng tahanan dahil sa takot na marumihan

nila ang malinis na tahanan ang maaaring nagtutulak sa kanila,

dahil na rin sa kalungkutan, tungo sa isang lipunan kung saan

laganap ang kasalanan, krimen at kataksilan. Ano ang magiging

pakinabang ng isang ama, na dapat sana’y karapat-dapat sa

Kahariang Selestiyal, kung naligaw ang kanyang anak sa kasalanan

dahil na rin sa kanyang kapabayaan? Ang lahat ng kasiyasiyang

lipunan o samahan sa daigdig na tumutulong sa mga taong

nangangailangan, maging ito ma’y ukol sa tao o relihiyon,

ay di kailanman magiging kabayaran sa pagsisikap ng isang ina

sa labas ng kanyang tahanan na iligtas ang sangkatauhan o

isang mithiin, gaano man kabuti ito, kung ang kapalit naman

nito’y ang pagkaligaw ng mga kaluluwa sa kanya mismong tahanan.

16

Madalas kong ipayo, at muli kong uulitin sa inyong lahat na

narito: “Ang pinakamahalagang gawain ng Panginoon na gagawin

ninyo ay ang nasa loob mismo ng inyong mga tahanan.”

Hindi natin dapat kalimutan ito kailanman. 17

158

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!