17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 7

Kapag inisip natin iyan bilang ating limitasyon, pribilehiyo nating

malaman ang mga katotohanang iyon at ang magkaroon ng

pinakakumpletong pamantayan ng mga banal na kasulatan na kilala

sa sanlibutan. Tanging mga miyembro lamang ng Simbahan

ang may pribilehiyong gayon. 15

Naniniwala kami na ang ating mga miyembro ay gutom sa

ebanghelyo, na hindi malabnaw, at sagana sa katotohanan, at kabatiran....[H]uwag

tayong magkamali na bagutin [ang ating mga

miyembro]…sa ating mga tahanan o klase sa Simbahan sa pagbibigay

sa kanila ng malabnaw na paghigop ng ebanghelyo gayong

makaiinom sila ng pamatid-uhaw sa balon ng buhay na tubig!…

Tila may mga taong nakakalimot na ang pinakamakapangyarihang

sandatang ibinigay sa atin ng Panginoon laban sa lahat ng kasamaan,

ay ayon na rin sa sarili Niyang mga pagpapahayag, ang mga

payak at simpleng doktrina ng kaligtasan na matatagpuan sa mga

banal na kasulatan. Nagulat kami nang aming marinig na ilan sa

ating mga kapatid na kalalakihan sa tinatawag na mauunlad na komunidad…ay

piniling bale-walain ang nakabalangkas na kurso ng

pag-aaral bilang kapalit ng iba’t ibang makukulay na pagtalakay sa

mga paksang kakaunti lamang ang pagkakatulad sa mga pangunahing

katotohanan ng ebanghelyo. 16

Lahat ng itinuturo natin sa Simbahang ito ay dapat nakabatay

sa mga banal na kasulatan. . . . Kailangang piliin natin ang ating

mga paksa mula sa mga banal na kasulatan, at sa tuwing may paglalarawan

kayo sa mga banal na kasulatan o paghahayag sa Aklat

ni Mormon, gamitin ito, at huwag kumuha sa ibang mapagkukunan

kung makikita naman ninyo ito sa mga aklat na ito.

Tinatawag natin itong mga pamantayang aklat ng Simbahan sapagkat

sukatan ang mga ito. Kung nais ninyong sukatin ang katotohanan,

sukatin ito sa pamamagitan ng apat na pamantayang

aklat ng Simbahan. ...Kungwala ito sa mga pamantayang aklat,

maaaring ipalagay ninyo ito bilang isang haka-haka. Ito ay sariling

opinyon ng tao, sa madaling salita; at kung sumalungat ito

sa mga nasa banal na kasulatan, malalaman ninyo sa ganoon ding

palatandaan na ito ay hindi totoo. Ito ang pamantayan kung paano

ninyo masusukat ang katotohanan. Subalit kung hindi ninyo

alam ang mga pamantayan, wala kayong sapat na panukat. 17

78

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!