17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 6

rili sa atin. Tayo ang naglalayo ng ating sarili sa kanya dahil sa

pagkukulang nating masunod ang kanyang mga kautusan. 12

Kapag dumudulog tayo sa Panginoon para humingi ng pagpapala

nais nating makatiyak na inilalagay natin ang ating sarili sa

kalagayan ng pagiging karapat-dapat upang matanggap natin ang

bagay na ating ipinananalangin. 13

Hindi ba ninyo nanaising mamuhay sa paraan na kapag nakipag-usap

ang Panginoon sa inyo ay maririnig ninyo ito, o upang

maging karapat-dapat sa pagdalaw ng isang anghel, o marahil

maging handa sa pagpunta sa kinaroroonan ng Panginoon?

Sinabi ng Panginoon kung paano tayo magiging handa. Sa isang

dakilang paghahayag sinabi Niya ang mga salitang ito:

“Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon: Ito ay mangyayari

na ang bawat kaluluwa na tatalikod sa kanyang mga kasalanan at

lalapit sa akin, at mananawagan sa aking pangalan, at tutupad sa

aking tinig, at susunod sa aking mga kautusan, ay makikita ang

aking mukha at malalaman na ako na nga” (D at T 93:1).

Nang dumating ang tinig mula sa kalangitan sa mga tao sa lupaing

Masagana hindi nila ito narinig. Para sa kanila ito ay tila nakalilitong

mga ingay lang, at nang ituon nila ang kanilang mga

puso narinig nila ang mga salita ngunit hindi nila maunawaan;

subalit nang ituon nilang mabuti ang kanilang mga puso at isipan

dito, sa gayon ay naunawaan nila ang tinig. (Tingnan sa 3

Nephi 11:3–5.) 14

Nawa’y ipagkaloob ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay mamuhay

nang sa gayo’y matamasa natin ang pakikipag-usap na

iyon sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at malaman

nang walang-alinlangan na siya ay tunay na nabubuhay, at maging

handa balang-araw na pumasok sa Kanyang kinaroroonan. 15

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Sa anu-anong dahilan tayo maaaring makatanggap ng paghahayag?

Paano natin mapag-iibayo ang kakayahan nating marinig

ang tinig ng Panginoon at “umunlad sa alituntunin ng

paghahayag”?

68

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!