17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

155

KABANATA 14

para sa katatagang kailangan nila sa panahong ito ng kaguluhan

at kaligaligan. Sa gayon ay lalaganap ang pag-ibig at madaragdagan

ang inyong kagalakan. 8

Paano makapagpapakita ang mga ama at ina ng dagdag na

pagmamahal sa kanilang mga anak?

May karanasan ako na nagturo sa akin ng isang bagay bilang

isang lolo. Gabi iyon ng sayawan [sa Simbahan] na ginanap sa istadyum,

at ang dalawang pinakamatandang apo ko sa anak kong

babae. . .ay nagbigay sa kanya ng problema, ayon sa kanya. Kaya

sinabi kong, “Gusto mo bang isama ko ang mga anak mo sa sayawan

sa istadyum?”

Sabi niya, “Oho, Itay. Naku, magiging masayang-masaya ako.”

Wala akong alam sa pinasukan ko. . . . Nang magsimula na ang

pagtatanghal, hindi ko alam na malaki pala ang kaibahan ng

isang pitong-taong-gulang at isang limang-taong-gulang.

Tuwang-tuwa ang pitong-taong-gulang sa pagtatanghal na iyon.

Ngunit ang limang-taong-gulang ay mas mainipin pala.

Maglilikot siya at tapos ay gustong lumabas at bumili ng hotdog

at gustong bumili ng maiinom at gustong magpunta sa palikuran.

Palagi siyang malikot. At heto ako’t nakaupo sa harapan at

katabi ng mga Pangkalahatang Awtoridad, at nangingiti sila sa panonood

sa amin at habang hinahatak-hatak ko ang apo ko at sinisikap

na patahimikin siya. Sa huli’y binalingan ako ng

limang-taong-gulang na iyon at sinuntok ako sa pisngi ng maliit

niyang kamao at sabi niya, “Lolo, huwag n’yo po akong itulak!”

Alam n’yo, masakit iyon. Noong takipsilim na iyon, pakiramdam

ko’y nakikita ko ang aking mga kapatid na natatawa nang bahagya

nang makita nila ito. Ang una kong naisip ay ilabas siya at

paluin; dapat lang sa kanya iyon. Ngunit, may nakita akong ginagawa

ng kanyang ina. Nakita ko siya noong may sumpong ang

batang ito at may kasabihan siyang, “Dapat mong mahalin ang

mga anak mo kapag hindi sila kaibig-ibig.” Kaya naisip kong susubukan

ko iyon. Nabigo ako sa isang proseso.

Kaya kinuha ko siya at sinabi ko sa kanyang, “Apo ko, mahal ka

ng Lolo. Gusto kong lumaki kang mabuting bata. Gusto ko lang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!