17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

135

KABANATA 12

higit na perpekto ang kanilang pagmamahalan tungo sa kabuuan

ng pagmamahal sa kinaroroonan ng Panginoon mismo. 9

Ang mga pagkakamali at kabiguan at kababawan ng pisikal na

paghanga lamang ay walang halaga kung ihahambing sa kadalisayan

ng mabuting pag-uugali na tumatagal at mas gumaganda

sa paglipas ng mga taon. Kayo rin ay maaaring mabuhay sa pagkabighani

sa inyong maligayang tahanan maging sa inyong pagtanda

kung inyo lamang hahanapin ang dalisay na uri ng

diyamante na nasa bawat isa sa inyo. Ang tanging kailangan ay

ang pagpapakintab ng tagumpay at kabiguan, kahirapan at kaligayahan

upang magdulot ng kinang at ningning na magliliwanag

na mabuti maging sa pinakamadilim na gabi. 10

Anong payo ang ibinigay sa mga hindi pa

nakakasal sa kawalang-hanggan?

Ang ilan sa inyo’y walang kasama ngayon sa inyong tahanan.

Ang ilan sa inyo’y namatayan ng asawa o maaaring di pa kayo nakahahanap

ng makakasama. Kabilang sa inyo ang pinakamagigiting

na miyembro ng Simbahan—matatapat, magigiting,

nagsisikap na ipamuhay ang mga kautusan ng Panginoon, upang

itayo ang kaharian sa lupa, at paglingkuran ang inyong kapwa-tao.

Maraming inilalaan ang buhay para sa inyo. Maging malakas sa

pagharap sa inyong mga hamon. Napakaraming paraan upang

makatagpo ng kasiyahan, sa paglilingkod sa mga mahal ninyo, sa

paggawa nang mabuti sa mga gawain ninyo sa trabaho o sa tahanan.

Ang Simbahan ay nag-aalok ng maraming oportunidad

upang matulungan ninyo ang mga kaluluwa, unang-una na kayo,

upang matagpuan ang kagalakan ng buhay na walang hanggan.

Huwag hayaang ilayo kayo ng awa sa sarili o ng kawalan ng

pag-asa sa landas na alam ninyong tama. Ituon ang inyong mga

isipan sa pagtulong sa iba. Sa inyo ay may natatanging kahulugan

ang mga salita ng Guro: “Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay

ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin

ay makasusumpong niyaon.” (Mateo 10:39.) 11

Hinuhusgahan tayo ng Panginoon hindi lamang sa pamamagitan

ng ating mga kilos kundi maging sa layunin ng ating mga

puso. ... Kung kaya, [ang kababaihan] na napagkaitan ng pag-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!