17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

111

KABANATA 10

nagtataglay ng pagkasaserdote, Siya ay kumikilos sa pamamagitan

natin sa kapangyarihan ng banal na pagkasaserdote. At nais

kong taglayin nating lahat ang damdaming iyon, at sa gayo’y

ituro sa ating kabataan ang ibig sabihin ng taglayin ang pagkasaserdote

at gampanan itong mabuti. 10

Ano ang ibig sabihin ng maipatong ang mga kamay sa inyong

ulo? Hayaan ninyong ibaling ko kayo sa ikatatlumpu’t anim na bahagi

ng Doktrina at mga Tipan at basahin sa inyo ang isang talata

na maaaring nabasa ninyo nang pahapyaw at di nakita ang kahalagahan

nito. Ito ay paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni

Propetang Joseph Smith kay Edward Partridge, ang unang

Namumunong Obispo. Ito ang sabi ng Panginoon: “At aking ipapatong

ang aking kamay sa iyo sa pamamagitan ng kamay ng aking

tagapaglingkod na si Sidney Rigdon, at iyong matatanggap ang

aking Espiritu Santo, maging ang Mang-aaliw, na siyang magtuturo

sa iyo ng mga mapayapang bagay ng kaharian” (D at T 36:2).

Nakikita ba ninyo ang Kanyang sinasabi—na tuwing maglilingkod

kayo sa pamamagitan ng awtoridad ng inyong pagkasaserdote

ay tila ipinapatong ng Panginoon ang Kanyang kamay sa

taong iyon sa pamamagitan ng inyong kamay upang maigawad

ninyo ang mga pagpapala ng buhay, ng kalusugan, ng pagkasaserdote,

o maging anuman ito. At tuwing gagamitin natin ang

ating pagkasaserdote, ginagawa natin ito na tila kasama natin

ang Panginoon, at sa pamamagitan natin, tinutulungan tayong

isagawa ang ordenansa. 11

Ngayon, kayong mga lalaking miyembro ng Simbahan: May karapatan

kayong taglayin ang tinatawag na pagkasaserdote ng

Diyos. . . . Ang ilan ay pinatungan ng kamay sa kanilang ulo

upang matanggap ang kapangyarihan at awtoridad na ito, ngunit

di ito kailanman natanggap. At bakit di nila ito matanggap? May

dalawang bagay na sinabi ang Panginoon: sapagkat ang kanilang

mga puso ay labis na nakatuon sa mga bagay ng daigdig na ito,

at ikalawa, naghahangad sila ng mga parangal ng tao (tingnan sa

D at T 121:35). Isipin nga ninyo muli ang inyong mga kakilala at

tingnan kung bakit ang ilan ay nagiging di-aktibo sa espirituwal

na mga bagay, at makikita ninyo ang sagot sa isa sa dalawang bagay

na ito. Maaaring ang puso nila’y labis na nakatuon sa mga ba-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!