17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 17

Bakit mahalaga sa pagbabahagi ng ebanghelyo

ang kahandaang magsakripisyo?

Ang pinakabuod ng tinatawag nating Kristiyanismo ay matatagpuan

sa tala ng manunulat ng ebanghelyo ni Juan kung saan

binanggit niya ang patotoo ng Guro tungkol sa kanya mismong

banal na misyon bilang Tagapagligtas ng daigdig. Narito ang kanyang

mga salita:

“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,

na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang

sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak,

kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16.)

Sa gayon nasaad ang pinakamataas na paglilingkod na magagawa

natin sa buhay sa mundo, ang kahandaang isakripisyo ang

ating sarili para sa kapakanan ng iba. Ipinaliwanag ni Propetang

Joseph Smith ang kinalalagyan ng sakripisyo at paglilingkod sa

nakapagpapabanal na prosesong ito ng buhay:

“Ang relihiyon na hindi nangangailangan ng sakripisyo ng lahat

ng bagay ay hindi kailanman magkakaroon ng kapangyarihang

sapat upang magkaroon ng pananampalataya na kailangan

tungo sa buhay at kaligtasan. ...

“Sa pamamagitan ng sakripisyong ito, at tanging ito lamang,

inordena ng Diyos na dapat magtamasa ng buhay na walang

hanggan ang tao.” [Lectures on Faith (1985), 69.]

Kung magagawa lamang natin sa ating sarili at sa ating buhay

ang alituntuning iyon kung saan maaari nating mahawakan ang

mahalagang kaloob, tayo’y magiging tunay na matalino. Si

Haring Benjamin ang siyang nagturo sa kanyang mga tao sa kanyang

pangwakas na talumpati:

“. . .kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo

ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” (Mosias 2:17.). . .

Ang pagbibigay, kung gayon, ay pahiwatig ng pagmamahal ng

isang tao, at kapag tunay na ibinigay ng isang tao ang kanyang sarili,

ito ay katibayan ng namamalaging pagmamahal sa taong iyon

na handang magbigay. ...

184

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!