17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 18

Pangkapakanan, at diyan tayo nagkakamali. Una sa lahat, magsisimula

tayo sa indibiduwal mismo. Hindi tayo aalis sa puntong iyon

hangga’t hindi natin natutulungan ang indibiduwal na gawin ang

lahat sa abot ng kanyang makakaya na lutasin ang kanyang sariling

problema. Ngayon, maaari tayong itulak ng ating damdamin

at pagkamahabagin sa ibang konklusyon, ngunit iyan pa rin ang

una sa lahat, at pagkatapos ay tutungo naman tayo sa malalapit na

kamag-anak ng pamilyang iyon. Nawawala ang pagkakaisa ng pamilya,

nawawala ang kalakasan na nagmumula sa pagkakaisa ng

pamilya, kapag hindi tayo nagbigay ng pagkakataon at tumulong

na magkaroon ng paraan upang makatulong ang malalapit na kamag-anak

ng pamilyang iyon, na labis na nabahala.

Sa gayon, ang susunod nating hakbang ay humingi ng tulong

sa kamalig para sa mga dagliang pangangailangan. Sa tahanang

tulad ng aking inilarawan, gusto kong makita ninyo ang inam ng

pagbibigay sa pamilyang iyon ng kasuotan, pagkain, mahihigan

at panggatong na kakailanganin nila sa loob ng ilang buwan

upang di na magastos pa ang salapi na mamarapatin nilang

ipambayad sa biglaang gastusin sa ospital, sa halip na kumuha lamang

sa mga handog mula sa ayuno at iabot sa kanila ang salapi

mismo. ...

Ngayon, kapag di pa sapat ang mula sa kamalig, ang susunod

na gagawin, siyempre, ay irekomenda sa obispo ang paggamit ng

pondo ng handog mula sa ayuno, na, ayon sa itinuro sa kanya,

ay gagamitin muna mula sa ibinigay niya at ng kanyang mga pinuno.

Dahil dito, kailangan nating bigyang-pansin ang paglikom

ng handog mula sa ayuno at ang pagdaragdag ng mga handog

mula sa ayuno, at pagtuturo ng batas ng pag-aayuno, na isa sa pinakamahalagang

bahagi ng Planong Pangkapakanan. ...

Ngayon, kasunod niyan, dadako na tayo sa pagsasaayos ng

iba’t ibang aspeto ng ating mga problema. Dito malaki ang gagampanang

papel ng Samahang Damayan at ng mga korum ng

Pagkasaserdote. Ano ngayon ang bahagi ng Samahang Damayan

sa programa ng pagsasaayos? Mangyari pa, ang unang gagawin,

sa pagdalaw ninyo sa tahanan ng nababagabag na pamilya, ay gawin

ang hinihingi ng obispo, alamin ang mga kalagayan ng tahanan....

200

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!