17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

41

KABANATA 4

Panginoon?. . . Sinasabi ito ng Panginoon, “At muli, katotohanang

sinasabi ko sa inyo, na yaong pinamamahalaan ng batas, ay

pinangangalagaan din ng batas at ginagawang ganap at pinapabanal

ng gayon din” (D at T 88:34). Anong batas? Ang mga batas

ng Panginoon tulad nang nakapaloob sa ebanghelyo ni

Jesucristo, kung saan ang pagsunod sa mga batas at ordenansang

ito ay ang paraan upang tayo ay mapadalisay at mapabanal. Ang

pagsunod sa bawat batas na ibinigay sa atin ng Panginoon ay

isang hakbang palapit sa pagtanggap ng karapatang makapasok

balang-araw sa kinaroroonan ng Panginoon.

Ibinibigay niya sa atin sa isa pang pahayag ang pormula kung

saan maihahanda natin ang ating sarili sa paglipas ng mga taon.

“Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon: Ito ay mangyayari

na ang bawat kaluluwa na tatalikod sa kanyang mga kasalanan at

lalapit sa akin, at tatawag sa aking pangalan, at susunod sa aking

tinig, at susunod sa aking mga kautusan, ay makikita ang aking

mukha at malalaman na ako na nga” (D at T 93:1) Simple, di ba?

Ngunit makinig muli. Ang dapat lamang ninyong gawin ay talikuran

ang inyong mga kasalanan, lumapit sa Kanya, tumawag sa

Kanyang pangalan, sundin ang Kanyang tinig, at tuparin ang

Kanyang mga kautusan, at pagkatapos ay makikita ninyong muli

ang Kanyang mukha at makikilala na Siya nga. 18

Ito ang gawain ng Panginoon at kapag nagbibigay siya ng kautusan

sa mga anak ng tao, naghahanda siya ng paraan upang

maisagawa ang kautusang iyan. Kung gagawin ng kanyang mga

anak ang lahat ng makakaya nila upang tulungan ang kanilang

sarili, sa gayon pagpapalain ng Panginoon ang kanilang mga

pagsisikap.

. . .Inaasahan ng Panginoon na gagawin natin ang lahat upang

iligtas ang ating sarili, at. . .matapos na magawa natin ang lahat

upang iligtas ang ating sarili, ay maaari na tayong makaasa sa

mga awa ng biyaya ng ating Ama sa Langit. Ibinigay niya ang kanyang

Anak upang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at

ordenansa ng ebanghelyo ay maaari nating matamo ang ating kaligtasan,

ngunit ito ay mangyayari lamang kapag nagawa na nating

lahat ang makakaya natin para sa ating mga sarili. 19

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!