17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

233

KABANATA 21

ay walang pangako.” (D at T 82:10.) “. . . Maliban sa kayo ay sumunod

sa aking batas hindi ninyo matatamo ang kaluwalhatiang

ito.” (D at T 132:21.) Paulit-ulit ang katotohanang iyan sa mga

banal na kasulatan.

Sa isang banda ang lahat ng alituntunin at ordenansa ng

ebanghelyo ay mga paanyaya lamang sa pagkatuto ng ebanghelyo

sa pamamagitan ng pagsunod sa mga itinuturo nito. Hindi

malalaman ng sinumang tao ang alituntunin ng ikapu hangga’t

hindi siya nagbabayad ng ikapu. Walang makaaalam sa alituntunin

ng Salita ng Karunungan hangga’t hindi niya sinusunod ang

Salita ng Karunungan. Hindi paniniwalaan ng mga bata o matatanda

ang ikapu, ang Salita ng Karunungan, pagpapanatiling banal

sa araw ng Sabbath, o panalangin kung makikinig lamang sa

taong nagsasalita tungkol sa mga alituntuning ito. Natututuhan

natin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pamumuhay ayon

dito. ...

Hayaan ninyong bilang buod ay sabihin kong: Hindi natin talaga

malalaman ang anumang turo ng ebanghelyo hangga’t hindi

natin nararanasan ang mga pagpapalang nagmumula sa pamumuhay

ng bawat alituntunin. May nagsabing, “ang mga turo

mismo hinggil sa moralidad ay pahapyaw lamang ang bisa sa espiritu

maliban na pagtibayin ito ng mga gawa.” Ang pinakamahalaga

sa lahat ng kautusan ng ebanghelyo, sa iyo at sa akin, ay

ang kautusan na sa sandaling ito’y nangangailangan ng pagsusuri

ng kaluluwa ng bawat isa sa atin upang sumunod.

Kailangang alamin ng bawat isa sa atin ang kani-kanyang mga

pangangailangan at magsimula ngayon na paglabanan ito, sapagkat

tanging kapag napaglabanan natin ito tayo mapagkakalooban

ng lugar sa kaharian ng ating Ama. 2

Paanong ang Lubos na Pagpapala “ang konstitusyon

para sa perpektong buhay”?

Marahil ay nais ninyong malaman ang “mga hakbang” kung

paano maisusunod ng isang tao ang kanyang buhay sa kabuuan

na magpapagindapat sa kanya bilang mamamayan o “banal” sa

kaharian ng Diyos. Ang pinakamainam na sagot ay matatagpuan

sa pag-aaral ng buhay ni Jesus sa mga banal na kasulatan. ... Si

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!