17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 1 5

Ang Mabuting Impluwensiya

ng mga Ina

Paano magagampanan ng mga ina ang sagrado nilang tungkulin

na pagtuturo at pangangalaga sa kanilang mga anak?

Pambungad

Minsa’y nagkuwento si Pangulong Harold B. Lee tungkol sa

isang ina na pinakikinang ang kanyang mga kagamitan sa kusina

bilang paghahanda sa handaan nang gabing iyon. “Habang abala

siya sa paghahanda, lumapit ang kanyang anak na lalaki na walong-taong-gulang

na dala ang kanyang alkansiya at sinabi sa kanyang

ina, ‘Inay, paano po kayo nagbabayad ng ikapu?’

“Ayaw na ayaw niyang naaabala sa mga sandaling tulad nito,

ngunit nagpunas siya ng kamay at naupo at inilabas nila mula sa

alkansiya ang mga barya at pagkatapos ay ipinaliwanag kung paano

siya magbabayad ng ikapu. Nang matapos siya’y nayakap siya

ng anak at nagsabing, ‘Salamat po Inay sa pagtulong n’yo sa ‘kin;

alam ko na ngayon kung paano magbayad ng ikapu.’ ”

May sinabi ang ina tungkol sa karanasang ito, isang bagay na

“lubhang napakahalaga sa lahat. . .ng ina. ‘Habambuhay akong

may panahon sa pagpapakinang ng mga kasangkapan, ngunit

baka ito lamang ang sandali na maituturo ko sa aking anak ang

alituntunin ng ikapu.’ ” 1

Itinuro ni Pangulong Lee na, “ang matagumpay na pagiging

ina ngayon ay tumatagal sa paglipas ng mga taon at sa kawalanghanggan.”

2 Binigyang-diin niya na ang dakilang layunin ng ina

“ay ang pagtatatag ng isang tahanan dito at pagtatatag ng pundasyon

para sa isang tahanan sa kawalang-hanggan.” 3

163

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!