17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 4

Binibigyan tayo ng Panginoon, ang bawat isa, ng madadalang

lampara, ngunit kung may langis man o wala sa ating mga lampara

ay nakasalalay na sa bawat isa sa atin. Sundin man natin o

hindi ang mga kautusan at maglagay ng kinakailangang langis

upang ilawan ang ating landas at gabayan tayo sa ating landas ay

nakasalalay na sa bawat isa sa atin. Hindi natin mahihiram ang

pagiging miyembro ng Simbahan. Hindi natin mahihiram ang

isang tanyag na ninuno. May langis man tayo o wala sa ating mga

lampara, inuulit ko, nakasalalay ito sa bawat isa sa atin; ito ay

masusukat sa katapatan natin sa pagsunod sa mga kautusan ng

Buhay na Diyos. 20

Lahat ng alituntunin ng ebanghelyo at lahat ng ordenansa ng

ebanghelyo ay mga paanyaya lamang na matutuhan ang ebanghelyo

sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga turo nito. Ganyan

ang mga ito—mga paanyaya na lumapit at isagawa ito upang malaman

ninyo. . . . Tila malinaw na sa akin na masasabi nating mabuti,

na kailanman ay hindi natin tunay na malalaman ang

alinman sa mga turo ng ebanghelyo hangga’t hindi natin nararanasan

ng bawat isa sa ating ang mga ito sa pamamagitan ng pamumuhay

sa mga ito. Sa madaling salita, natutuhan natin ang

ebanghelyo sa pamumuhay nito. 21

Ang pinakadakilang mensahe ng isang taong nasa katayuang

ito na maibibigay sa mga miyembro ng Simbahan ay ang sundin

ang mga kautusan ng Diyos, sapagkat dito nakasalalay ang kaligtasan

ng Simbahan at ang kaligtasan ng indibiduwal. Sundin ang

mga kautusan. Wala na akong ibang masasabi na higit na makapangyarihan

o mahalagang mensahe ngayon. 22

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Paano tayo magkakaroon ng mas matibay na pananampalataya

sa Panginoong Jesucristo? Paano nakatutulong sa atin ang pananampalataya

na ipamuhay ang mga kautusan sa halip na di

ito gaanong pahalagahan? Kailan nakatulong sa inyo ang pananampalataya

sa Diyos na harapin ninyo ang “mga suliraning

napakabigat para sa inyong lakas o talino”?

42

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!