17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 15

May nagsabi na ang pinakamainam na paaralan sa disiplina ay

ang tahanan, dahil ang buhay ng pamilya ang sariling paraan ng

Diyos sa pagtuturo sa mga anak, at ang ginagawa ng mga ina dito

ang siyang bumubuo sa tahanan. 11

Ano, kung gayon, ang ginagampanan ng ina sa dakilang paglilingkod

sa kaharian? Ang una at pinakamahalaga niyang papel ay

ang tandaang ituro ang ebanghelyo sa pamilya. 12

[Nais kong tukuyin] ang kinalalagyan ng babae sa pagtuturo sa

kanyang pamilya. ... Sinabi ng Panginoon:

“Subalit masdan, sinasabi ko sa inyo, na ang maliliit na bata ay

tinubos mula pa sa pagkakatatag ng daigdig sa pamamagitan ng

aking Bugtong na Anak;

“Dahil dito, hindi sila magkakasala, sapagkat ang kapangyarihan

ay hindi ibinigay kay Satanas upang tuksuhin ang maliliit na

bata, hanggang sa sila ay magsimulang magkaroon ng pananagutan

sa akin;

“Sapagkat ibinigay sa kanila maging ang kalooban ko, alinsunod

sa sarili kong kagustuhan, upang kagila-gilalas na mga gawa

ang hingin sa kamay ng kanilang mga ama.” (D at T 29:46–48.)

. . .Ano ang mga dakilang bagay na hinihiling ng Diyos sa mga

ama ng mga bata (na, sa pahiwatig, ang ibig sabihin ay mga ina

rin) sa panahong ito bago magkaroon ng pananagutan sa harapan

ng Panginoon ang maliliit na bata?. . . Hinihimok ang mga

magulang na pabinyagan ang kanilang mga anak kapag sumapit

na sila sa walong-taong-gulang at ituro sa kanila ang mga pangunahing

alituntunin ng ebanghelyo. Ang kanilang mga anak ay bibinyagan

para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at

pagkatapos ay tatanggapin ang pagpapatong ng kamay. Tuturuan

din silang manalangin at lumakad nang matwid sa harapan ng

Panginoon.

Maraming kinakailangang gawin ang mga ama at ina bago

magkaroon ng kapangyarihan si Satanas na tuksukin ang maliliit

na bata. Responsibilidad ng mga magulang na maglatag ng matatag

na pundasyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pamantayan

ng Simbahan sa pamamagitan ng halimbawa at

tuntunin.

168

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!