17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

181

KABANATA 17

ang propeta, tagakita, at tagahayag ng Simbahan ni Jesucristo,

hindi siya makapaniwala na makikihalubilo ang gayong tao sa taong

tulad niya. Naantig siya nang labis.” 1

Tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo, sinabi ni Pangulong

Lee na, “Nawa’y [matanto] natin na responsibilidad ito na ibinigay

ng Panginoon sa kanyang Simbahan sa bawat dispensasyon,.

. . upang ituro ang ebanghelyo sa lahat ng nilalang nang sa

gayo’y walang maidahilan ang bawat isa sa araw ng paghuhukom,

at lahat ay matubos mula sa Pagkahulog at maibalik sa kinaroroonan

ng Panginoon. 2

Mga Turo ni Harold B. Lee

Bakit mahalagang ibahagi natin ang ebanghelyo sa iba?

Iniingatan natin ang ating patotoo sa pamamagitan ng pamumuhay,

pananalangin at pagiging aktibo sa simbahan at sa pagsunod

sa mga kautusan ng Diyos. Doon pa lamang mapapasaatin

ang gumagabay na Espiritu, isa sa pinakamahalagang pag-aari na

maaaring makamtan ng miyembro ng simbahan.

Sa pamamagitan ng patotoong ito, responsibilidad nating lahat

na malaman ang ating tungkulin na magbigay patotoo sa banal

na misyon ng Panginoon sa tuwing magkakaroon tayo ng

pagkakataon. Kung gagawin natin, maraming pagkakataon

upang ituro ang ebanghelyo, araw-araw at oras-oras, saan man

tayo naroon. Kung nabuhay tayo para dito, kung naghanda tayo

para dito at hangad natin ito, ipagkakaloob sa atin ng gumagabay

na Espiritu ang kakayahan na magturo. Tandaan, ang mga salita

ay salita lamang, sa pagtuturo ng ebanghelyo, maliban kung lakip

nito ang Espiritu ng Panginoon. . . .

Responsibilidad natin ang ihatid sa daigdig ang mensahe ng

katotohanan, ang ipakita sa daigdig na sa mga turo lamang ng

ebanghelyo ni Jesucristo matatagpuan ang mga kalutasan sa bawat

problema na dinaranas ng sangkatauhan. 3

Dapat nating tanggapin ang bawat pagkakataon na ihatid ang

kaalaman ng ebanghelyo sa iba—sa kasama nating mga diaktibong

miyembro ng Simbahan, sa ating mga kaibigang di-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!