17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 2 3

Ang Pagkabuhay na Mag-uli,

Isang Angkla sa Kaluluwa

Paano tayo pinalalakas sa ating mga pagsubok sa lupa ng

patotoo tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

at ng ating pagkabuhay na mag-uli sa hinaharap?

Pambungad

Si Pangulong Harold B. Lee ay may malakas na patotoo hinggil

sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, na lalo pang lumakas matapos

na siya’y tawagin sa Korum ng Labindalawang Apostol noong

Abril 1941. Paggunita niya: “Lumapit sa akin ang isa sa

Labindalawa at nagsabing, ‘Gusto naming ikaw ang magsalita sa

serbisyo sa gabi ng Linggo. Para iyon sa Linggo ng Pagkabuhay.

Bilang naordenang apostol, ikaw ay magiging natatanging saksi

ng misyon at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon at

Tagapagligtas na si Jesucristo.’ Iyon, sa palagay ko, ang nakakagulat

sa lahat, ang pinakamatinding pagmumuni-muni ng lahat

ng nangyari.

“Nagkandado ako sa isa sa mga silid ng Gusaling Tanggapan

ng Simbahan at kinuha ko ang Biblia. Nagbasa ako sa apat na

Ebanghelyo, lalo na ang mga banal na kasulatan na may kinalaman

sa pagkamatay, pagpapako sa krus, at pagkabuhay na maguli

ng Panginoon, at habang nagbabasa ako, bigla kong nadama

na may nangyayaring kakaiba. Hindi lamang isang kuwento ang

binabasa ko, dahil naging tila totoo ang mga pangyayaring binabasa

ko na para bang nararanasan ko mismo ang mga iyon. Gabi

ng Linggo nang ibigay ko ang aking abang mensahe at nagsabing,

‘At ako, na isa sa pinakaaba sa mga apostol dito sa lupa ngayon,

ay nagpapatotoo sa inyo na alam ko nang buong puso ko na si

Jesus ang Tagapagligtas ng daigdig at siya’y nabuhay at namatay

at nabuhay na mag-uli para sa atin.’

253

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!