17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 7

bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa

pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit

kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat” (History of the

Church, 4:461).

Para sa akin nangangahulugan ito na hindi lamang sa daming

ito ng mga banal na kasulatan natin nailalarawan ang mga naaangkop

na katotohanan ng ebanghelyo, kundi sa pamamagitan

din ng pangalawang saksing ito ay maaari nating malaman nang

may higit na katiyakan ang kahulugan ng mga turo ng mga sinaunang

propeta at, sa katunayan, maging ng Guro at ng Kanyang

mga disipulo noong sila ay namuhay at nagturo sa mga tao. 6

Kung nais ng isang taong mapalapit sa Diyos, magagawa niya

ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon. 7

Kayo…ay wala nang magagawa pa upang mapag-ibayo ang inyong

espirituwal na pagkahilig at mapanatili ang inyong espirituwal

na sigla maliban sa pagbabasang muli taun-taon ng

mahahalagang bagay na itinuro sa Aklat ni Mormon. Ibinigay ito

sa atin, ang kabuuan ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Anghel

Moroni upang ipangaral sa tao. Nagkaroon tayo, halimbawa, ng

kuwentong isinalaysay sa atin ni Pangulong German E.

Ellsworth, na nagbahagi ng kanyang patotoo sa templo sa harap

ng ibang pangulo ng misyon. Sinabi niya na maraming taon na

ang nakalipas habang pinamumunuan niya ang Northern States

Mission ay nagkaroon siya ng panaginip o pangitain kung saan

dinadalaw niya ang Burol ng Cumora at napuno ang kanyang

isipan ng mga pangyayaring naganap sa sagradong lugar na iyon.

Doo’y dumating sa kanya ang hindi mapag-aalinlanganang hamon:

“Ipangaral sa sanlibutan ang Aklat ni Mormon. Aakayin

nito ang sanlibutan kay Cristo.” 8

Kung nais ninyong patatagin ang mga estudyante laban

sa…mga taliwas na turo, ang tinatawag na mga nakatataas na kritiko

na humahamon sa pananampalataya nila sa Biblia, bigyan

ninyo sila ng pangunahing kaalaman sa mga turo ng Aklat ni

Mormon. Paulit-ulit na repasuhin ito.

Gaano na ba katagal mula nang mabasa ninyo ang Aklat ni

Mormon? Nagulat ako kani-kanina lamang nang makapanayam

ang dalawang kalalakihan na kabilang dati sa ating sistema ng se-

74

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!