17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 20

ako sa inyo, mga kapatid, huwag ninyong abusuhin ang kahangahangang

pagkakataon na nasa inyo bilang kalalakihan. Kayo na

maaaring maging katuwang ng Manlilikha sa paglalang ng mga

kaluluwa ng tao ay, sa pamamagitan ng isang uri ng pakikipagugnayan

na labag sa batas, maaaring magdudulot lamang ng kahihiyan

at wawasakin ang puso ng inyong asawa at mga anak.

Mga kapatid, sumasamo kami sa inyo na panatilihing malinis ang

inyong pagkatao, at lumakad sa landas ng katotohanan at kabutihan,

at sa gayon ay makamtan ang papuri ng Ama sa Langit sa

inyo na kanyang mga anak. 14

Nais kong bigyang-babala ang malaking pangkat na ito ng pagkasaserdote

laban sa malaking kasalanan ng Sodoma at Gumora,

na tinaguriang kasalanan na pumapangalawa lamang sa mabigat

na kasalanan ng pagpatay. Ang tinutukoy ko ay ang kasalanan ng

pangangalunya, na, tulad ng alam ninyo, ay siyang ipinangalan

ng Guro nang banggitin Niya ang di-pinahihintulutang seksuwal

na kasalanan ng pakikiapid gayundin ng pangangalunya. Bukod

pa rito, ang kasing-bigat na kasalanan ng homoseksuwalidad, na

tila lumalaganap dahil sa pagtanggap ng lipunan ng Babilonia sa

daigdig, na hindi dapat kapalooban ng mga miyembro ng

Simbahan.

Bagama’t nasa mundo tayo, hindi tayo kailangang maging makamundo.

Ang anumang pagtatangka ng mga paaralan o bahayaliwan

upang iwagayway ang mga seksuwal na kasalanan, na

wala namang ginawa kundi ang pukawin ang pag-eeksperimento,

ay kailangang [kalabanin] ng pagkasaserdote ng simbahang

ito nang buong-lakas at walang-tigil, habang gamit ang

lahat ng paraan na naaayon sa batas. 15

Kapag itinuring ng isang anak ng Diyos, lalo na ng nagtataglay

ng pagkasaserdote at aktibo noon pa man sa Simbahan, na laruan

lamang ang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos na kapangyarihan

sa paglikha o kaya’y itinuring ang kanyang kaugnayan sa

kanyang kasintahan bilang pagbibigay kasiyahan lamang sa kanyang

pagnanasa sa laman, siya ay naglalaro ng laro ni Satanas.

Alam ni Satanas na ang gayong pag-uugali ay tiyak na paraan ng

pagsira sa kapinuhan na kailangan sa pagtanggap ng pagsama ng

Espiritu ng Panginoon. 16

222

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!