17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 18

Paano makaaasa sa sariling kakayahan ang

ating sambahayan?

Upang matustusan ng indibiduwal o ng pamayanan ang sarili

nitong pangangailangan, ang sumusunod na limang hakbang ay

dapat gawin:

Una: Kailangang walang katamaran sa Simbahan.

Ikalawa: Kailangan nating matutuhan ang aral ng sariling

pagsasakripisyo.

Ikatlo: Kailangan nating mapagbuti ang sining ng pamumuhay

at sama-samang paggawa.

Ikaapat: Kailangan nating pairalin ang kapatiran sa ating mga

korum ng pagkasaserdote.

Ikalima: Kailangan nating magkaroon ng lakas-ng-loob na sagupain

ang mga hamon ng pang-araw-araw na mga problema sa

pamamagitan ng ating sariling pagsisikap hanggang sa maabot

ng sukdulang mapagkukunan ng tao o pamayanan bago tawagin

ang iba upang tulungan tayo sa paglutas. 9

Laging tandaan na ang programang pangkapakanan ng

Simbahan ay kailangang magsimula sa inyo mismo. Kailangan

itong magsimula sa bawat miyembro ng Simbahan. Kailangan nating

magtipid at mag-impok. . . . Kailangan ninyong kumilos para

sa inyong sarili at makilahok bago maging aktibo sa inyong sariling

sambahayan ang programang pangkapakanan. ...

Patuloy. . .na tiyaking may pagkain sa inyong mga tahanan; at

payuhan ang inyong mga kapitbahay at kaibigan na gayundin

ang gawin, sapagkat nagkaroon [ng] pangitain ang isang tao at

nalaman na kakailanganin ito, at kakailanganin ito sa hinaharap,

at ito ang nakapagligtas sa ating mga tao noon.

Ngayon, huwag tayong maging hangal at akalain na dahil maayos

ang mga bagay sa ngayon ay hindi magkakaroon ng problema

sa hinaharap. Sinabi sa atin ng Panginoon sa pamamagitan

ng paghahayag ang ilang bagay na mangyayari, at nabubuhay

tayo sa panahon kung kailan ang katuparan ng mga propesiyang

iyon ay narito na. Nagugulantang tayo, bagamat walang nangyayari

sa ngayon na hindi nakinita ng mga propeta. ...

202

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!