17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 8

gap ang taong naging kasangkapan sa pagpapanumbalik nito ay

di ko kailanman mauunawaan.” 2

Isinaad ni Pangulong Lee: “Kailangan nating malaman nang

may katiyakan sa ating mga puso at isipan na si Jesus ang Cristo,

ang Tagapagligtas ng daigdig. Kailangan nating malaman na ito

ang tunay na Simbahan ni Jesucristo, ang kaharian ng Diyos sa

mundo sa mga huling araw na ito; at sa huli’y kailangan tayong

magkaroon ng patotoo na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos.” 3

Mga Turo ni Harold B. Lee

Bakit kailangan tayong magkaroon ng patotoo

kay Joseph Smith bilang propeta ng Diyos?

Ano nga ba ang katangian ng totoong Propeta ng Diyos? Una,

siya ang tagapagsalita ng Diyos sa panahong iyon at sa mga taong

pinangangasiwaan niya. Ikalawa, binibigkas niyang muli ang mga

sinaunang katotohanan at naghahangad na sundin ng mga tao

ang di-nagbabagong mga batas ng ebanghelyo. Ikatlo, nakatatanggap

siya ng karagdagang mga paghahayag mula sa

Panginoon upang matugunan ang mga problema ng sumusulong

na inihahayag na plano. Ang gayong mga bagong katotohanan

na nagmumula sa Maykapal ay dumarating lamang sa

pamamagitan ng Propeta ng panahong iyon. Gayon si Joseph

Smith, Propeta ng Diyos sa bawat diwa. Oo, totoong tulad ng sinabi

ni Propetang Amos, “Tunay na ang Panginoong Dios ay walang

gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa

kaniyang mga lingkod na mga propeta.” [Amos 3:7.] 4

Mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa. . .alam kong si Joseph

Smith ay propeta ng Diyos na buhay. Alam kong nabuhay siya at

namatay upang ibigay sa salinlahing ito ang paraan upang makamit

ang kaligtasan. Alam kong mataas ang kanyang kinaluluklukan

at taglay niya ang mga susi sa huling dispensasyong ito. Alam

kong para doon sa mga sumusunod sa kanya at nakikinig sa kanyang

mga aral at tumatanggap sa kanya bilang totoong propeta

ng Diyos at sa kanyang mga paghahayag at aral bilang mga salita

ng Diyos, ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban

sa kanila. [Tingnan sa D at T 21:4–6.] 5

84

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!