17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 4

tatalikdan ang mga ito, at hindi na gagawin pang muli ang mga

ito, ay may karapatan sa pangako ng kapatawaran ng kanyang

mga kasalanan, kung hindi siya nakagawa ng walang kapatawarang

kasalanan, tulad ng ipinahayag ng Propetang Isaias,

“Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tila matingkad na pula,

ang mga ito ay magiging kasingputi ng niyebe; bagaman ang mga

ito ay tila pula kagaya ng krimson, ang mga ito ay magiging tila

balahibo ng tupa.” (Isaias 1:18.) 6

Aminin natin ito. Lahat tayo ay nakagawa ng isang bagay na

hindi natin dapat ginawa, o hindi natin nagawa ang mga bagay

na dapat sana nating ginawa. Kung gayon lahat tayo ay nakagagawa

ng mga pagkakamali, at lahat tayo ay kailangang magsisi.

Pinapaniwala sa inyo ng matandang diyablo na kung nakagawa

kayo ng isang kasalanan, bakit hindi na lang kayo magpatuloy

sa paggawa ng kasalanan? Iyan si Satanas na pinipilit sabihin sa

inyo na walang pagkakataong makabalik. Ngunit dapat ninyong

ibaling ang inyong sarili sa tama, at sa pamamagitan ng pagsisisi

ay iwasan ang maling bagay na ginawa ninyo at huwag nang

balikan pa ito. Sinabi ng Panginoon, “Humayo [kayo sa inyong

mga lakad] at huwag nang magkasala pang muli; subalit sa yaong

kaluluwa na nagkasala [nangangahulugang muli] ay magbabalik

ang dating kasalanan, wika ng Panginoong iyong Diyos”

(D at T 82:7). 7

Ngayon, kung may nagawa kayong mga pagkakamali, simulan

ninyo ngayon ang pagbabago sa inyong mga buhay. Iwasan ang

maling bagay na ginagawa ninyo. Ang pinakamahalaga sa lahat

ng mga kautusan ng Diyos ay yaong pinakamahirap ninyong masunod

ngayon. Kung ito ay ang di pagiging tapat, kung ito ay kawalan

ng kalinisang-puri, kung ito ay panlilinlang, hindi

pagsasabi ng katotohanan, ngayon ang araw na dapat ninyong

iwasan iyan hanggang sa tuluyan ninyong mapaglabanan ang kahinaang

iyon. Gawin iyan nang wasto, at pagkatapos ay simulan

ninyo ang susunod na pinakamahirap ninyong masunod. Iyan

ang paraan ng pagpapakabanal sa inyong sarili sa pamamagitan

ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. 8

36

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!