17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 23

Ano ang nagtaguyod sa kanya sa malungkot niyang karanasan?

Alam niya ang katotohanan ng pag-iral pagkatapos ng mortal na

buhay na ito. Hindi nga ba’t nakipag-usap siya sa isang anghel na

sugo ng Diyos? Walang alinlangang narinig niya ang huling naitalang

panalangin ng kanyang anak bago ang pagkakanulo sa

Kanya ayon na rin sa isinulat ni Juan: “At ngayon, Ama,” ang dalangin

niya, “luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang

aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.”

(Juan 17:5.) Narinig ng banal na inang ito, habang nakayuko,

ang Kanyang huling panalangin na ibinulong ng mga pinahirapang

labi mula sa krus: “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin

ko ang aking espiritu,” (Lucas 23:46). Ito ang nagbigayinspirasyon

sa kanyang pagpapaubaya at patotoo ng katiyakan na

muli Siyang makakapiling at ang Diyos na kanyang Ama sa

Langit. Hindi lumalayo ang langit sa tao, na sa matinding kalungkutan,

ay buong pagtitiwalang umaasam sa maluwalhating

araw ng pagkabuhay na mag-uli. 4

Mayroon bang anumang katiyakan ng pagsasamang muli at katuparan

ng ating mga pangarap sa susunod na buhay? Iyan ang

samo ng paghihinagpis ng isang ina habang inihihimlay niya sa

libingan ang sanggol na anak. Gayundin ang bulong at kadalasa’y

di-marinig na tanong ng maysakit at matanda kapag mabilis na

lumilipas ang buhay ng isang tao. Malaking kalakasan at kapanatagan

ang dumarating sa kanya sa alinman sa mga kalagayang ito,

na nakaririnig sa maluwalhating pangako ng Panginoon:

“Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na

katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan

sa alabok: sapagka’t ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng

mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.” (Isaias 26:19.)

Ang mabigat na parusa ng kamatayan ay nagiging mas magaan,

ang makapal na lambong ng kalungkutan ay nahahawi at ang malalalim

na sugat ay napapawi habang iniaangat tayo ng pananampalataya

sa kabila ng matinding pagsubok at pighati sa

mortal na buhay at nagbibigay ng pananaw sa mga mas maliliwanag

na araw at higit na masayang pag-asam. Tulad ng inihayag,

kapag “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga

mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan, o ng pananambi-

258

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!