17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

113

KABANATA 10

tungkulin kung saan kayo tinawag. Mga kapatid, para matanggap

iyan, kailangan mamuhay kayo para dito. Kailangang maging karapat-dapat

kayo. 15

Alalahanin ang mga kagila-gilalas na pangako ng Panginoon sa

inyo kung mapupuspos kayo ng pag-ibig sa kapwa-tao at “puspusin

ng kabanalan ang iyong mga iniisp nang walang humpay;

sa gayon ang iyong pagtitiwala ay lalakas sa harapan ng Diyos; at

ang doktrina ng pagkasaserdote ay magpapadalisay sa iyong kaluluwa

gaya ng hamog mula sa langit.

“Ang Espiritu Santo ang iyong magiging kasama sa tuwina, at

ang iyong setro ay hindi nagbabagong setro ng kabutihan at katotohanan;

at ang iyong pamamahala ay magiging walang hanggang

pamamahala, at sa walang sapilitang pamamaraan ito ay

dadaloy sa iyo magpakailanman at walang katapusan.” (D at T

121:45–46.)

Ang mga inspiradong salitang iyon ay mula sa Panginoon, at

inuulit ko ang mga ito upang ipaalala sa bawat isa sa inyo ang

mga responsibilidad ninyo bilang mga nagtataglay ng pagkasaserdote

at ang mga dakilang pagpapala na mapapasainyo kung

gagampanan ninyong mabuti ang iyong mga tungkulin bilang

mga tagapaglingkod ng Kataastaasang Diyos. 16

Paano napagpapala ang lahat ng mga miyembro

ng Simbahan kapag naglilingkod sa kabutihan

ang mga nagtataglay ng pagkasaserdote?

Sa katunayan ang mga nagtataglay ng pagkasaserdote ang bantay

sa mga tore ng Sion. Kayo ang mga itinalaga upang mamuno

sa alinmang sangay ng Simbahan at upang maging handa sa mga

panganib na nakapaligid sa daigdig, kapwa ang nakikita at di-nakikita.

Ilan lamang kayo sa mga nagtataglay ng pagkasaserdote na

tila mga pastol ng kawan, mga kawan ng mga miyembro ng

Simbahan sa lahat ng dako. Marami kayong responsibilidad.

Kailangan ninyong kaibiganin ang mga bagong miyembro sa pagsapi

nila sa Simbahan; hanapin ang matatapat na nagsasaliksik

ng katotohanan at ipakilala sila sa mga misyonero; patuloy na

alalahanin ang mga pangangailangan ng mga ulila at balo. Lalo

na, upang gawin iyon at panatilihing walang bahid-dungis ang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!