17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

125

KABANATA 11

nasabi nating kahit paano isang taon ay sa pag-asang buong ingat

na kakapanayam ang mga obispo at pangulo ng istaka. Ito ay

para matiyak na sapat na ang panahong inilagi nila sa Simbahan

upang makatayo sa sarili nilang paa at na alam nila ang mga pangunahing

doktrina ng Simbahan bago natin asahan na mauunawaan

nila ang mas mataas na mga ordenansa, ang mga

ordenansa sa templo. Kung gayon, ang mga tanong sa mga pupunta

sa templo ay hindi lamang tungkol sa pagiging karapatdapat

kundi maging sa pagiging handang tanggapin ang mga

ordenansa ng templo. 14

Ang pagtanggap ng endowment ay nangangailangan ng pagtanggap

ng mga obligasyon sa pamamagitan ng mga tipan na sa

katunayan ay sagisag o pagbubunyag ng mga tipan na dapat sana’y

inako ng bawat tao sa pagbibinyag, gaya ng ipinaliwanag ng

propetang si Alma na kung ‘kayo ay nagnanais na lumapit sa kawan

ng Diyos, at matawag na kanyang mga tao, at nahahandang

magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan;

Oo, at nahahandang makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati,

oo, at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw, at tumayo

bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay,

at sa lahat ng lugar kung saan kayo ay maaaring naroroon,

maging hanggang kamatayan” (Mosias 18:8–9). Ang sinumang

[tao] na handang akuin ang mga pananagutang binanggit ni

Alma at “nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng

Diyos. . .at humarap nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu.

. .at pumapayag na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan

ni Jesucristo, na may matibay na hangaring paglingkuran siya

hanggang wakas” (D at T 20:37), ay di dapat mag-atubiling magpunta

sa banal na templo at tumanggap, kaugnay ng mga tipan

na kanilang ginawa, ng mga pangako ng mga dakilang pagpapala

sa pagtupad nila sa mga tipang iyon. 15

Paano tayo dapat maghanda [na pumasok sa templo]? Isinulat

ng isang manlililok sa mga pinto ng Templo sa Cardston Alberta

ang pag-amin at kaisipan ng yumaong si Elder Orson F. Whitney

na dapat nating isaisip. Isinulat niya:

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!