17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 5

bawat tao: “At ito ang buhay na walang hanggan, na makikilala ka

nila ang nag-iisang tunay na Diyos, at Jesucristo, na siyang iyong

isinugo.” (Juan 17:3.) Bagamat ang pahayag na ito ay may mas

malalim na kahulugan kaysa sa tatalakayin ko rito, nais kong talakayin

ang isang kaisipan mula rito. Paano ninyo makikilala ang

Ama at ang Anak?. . . Sinisimulan nating matamo ang kaalamang

iyon sa pamamagitan ng pag-aaral. Ipinayo sa atin ng

Tagapagligtas na “Saliksikin ang mga kasulatan; sapagkat sa mga

ito isipin ninyo ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at

ang mga ito ay siyang nagpapatotoo sa akin.” (Juan 5:39.) Sa

loob nito ay matatagpuan ang kasaysayan ng mga pakikitungo ng

Diyos sa sangkatauhan sa bawat dispensasyon at ang mga gawain

at salita ng mga propeta at ng Tagapagligtas na ibinigay mismo,

“sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos,” tulad ng sinabi ni

Apostol Pablo, “at mapapakinabangan din sa doktrina, sa panunumbat,

sa pagwawasto, sa pagtuturo sa kabanalan: upang ang

tao ng Diyos ay maging ganap, tunay na kinakitaan ng lahat ng

mabubuting gawain.” (II Timoteo 3:16–17.) Hindi dapat palampasin

ng mga kabataan ang maghapon nang hindi nagbabasa

mula sa mga sagradong aklat na ito.

Ngunit hindi sapat na pag-aralan lamang ang kanyang buhay

at mga gawain sa pamamagitan ng pag-aaral. Ang Guro mismo

ang sumagot sa tanong kung paano ang isang tao ay makikilala

siya at ang kanyang doktrina: “Kung sinomang tao ay gagawa ng

kanyang kalooban, malalaman niya.” (Juan 7:17.) Sa palagay ba

ninyo magiging awtoridad sa agham ang isang taong hindi pa kailanman

nag-eksperimento sa isang laboratoryo? Pakikinggan ba

ninyo nang husto ang komentaryo ng isang kritiko sa musika na

walang-alam sa musika o kritiko sa sining na hindi marunong

magpinta? Kaya nga, ang isang tulad ninyo na gustong “makilala

ang Diyos” ay dapat na siyang gumagawa ng kanyang kalooban

at sumusunod sa kanyang mga kautusan at ipinamumuhay ang

mga kagandahang-asal na ipinamuhay ni Jesus. 14

Ang pagtatamo ng kaalaman sa pamamagitan ng pananampalataya

ay hindi madaling daan patungo sa pagkatuto.

Kinakailangan nito ang matinding pagsisikap at patuloy na pagsusumigasig

sa pananampalataya. ...

50

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!