17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

175

KABANATA 16

pensang ito ang tahanan, na siyang unang hanay ng depensa

(tingnan sa D at T 68:25–32). 7

Ang mga programa ng pagkasaserdote ay kumikilos sa pagtataguyod

ng tahanan; malaki din ang naitutulong ng mga programa

ng pantulong na samahan. Ang matalinong pamumuno

ng [pagkasaserdote] ay makatutulong sa atin na gawin ang ating

bahagi sa pagkakamit ng niyakap na layunin ng Diyos, “ang isakatuparan

ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan

ng tao” (Moises 1:39). Sinasabi sa atin kapwa ng mga paghahayag

ng Diyos at ng kaalaman ng tao kung gaano kahalaga ang tahanan

sa paghubog ng buong buhay na karanasan ng

indibiduwal. . . . Kung gayon, ang karamihan sa ginagawa natin

bilang isang samahan ay balangkas na susuporta, sa hangarin nating

itayo ang indibiduwal, at hindi natin dapat ipagkamali ang

balangkas bilang kahalili ng kaluluwa. 8

Ang tahanan ang pinakapangunahin at mahalaga sa lahat ng

institusyon ng Diyos. Ang susi sa buong programa ng ating paguugnay-ugnay

ay ibinigay sa atin nang ipahayag ng Unang

Panguluhan ang isa sa pinakapangunahing alituntunin na ating

pinagbabatayan: “Ang tahanan ang batayan ng matwid na pamumuhay,

at walang ibang kasangkapan na maaaring humalili dito

ni tumupad sa napakahalagang gawain nito. Ang pinakamainam

na magagawa ng mga pantulong na samahan ay tulungan ang tahanan

sa mga problema nito, nagbibigay ng natatanging tulong

at sumasaklolo kapag kailangan ito.”

Kapag inilagay iyan sa isipan, ang bawat aktibidad kung gayon

sa Simbahan ay dapat planuhing mabuti upang patatagin—hindi

bawasan—ang pagkilos ng maayos na tahanan. Kung mahina ang

pamumuno ng magulang, dapat ibigay ng mga pagkasaserdoteng

tagapagturo sa tahanan at pantulong na samahan ang kinakailangang

patnubay. Ibig sabihin nito, ang bawat kaganapan na

itinataguyod ng Simbahan ay kailangang planuhin na taglay ito

sa isipan, na binibigyang-diin lalo na ang kahalagahan ng panghihimok

sa bawat pamilya na matapat na idaos ang lingguhang

gabing pantahanan. At himukin at tulungan ang mga ama na nagtataglay

ng banal na pagkasaserdote sa pagganap sa kanilang

tungkulin bilang mga puno ng kanilang sambahayan. 9

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!