17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 4

gan ng espirituwal na “hamog” at pinaiinitan ng mga sinag ng

inspirasyon na nagmumula sa mapagkumbabang panalangin.

Ang pag-ani mula sa gayong pagtatanim ay dumarating lang sa taong

kumikilos ayon sa mga katotohanang natutuhan niya at binabago

ang kanyang buhay na makasalanan at pinupuno ang

kanyang mga araw nang may layuning sundin ang mga kautusan

ng Diyos na kanyang sinasampalatayanan, at paglingkuran ang

kanyang kapwa. 3

Sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga kautusan ng

dekalogo mula sa Bundok ng Sinai ay nabago mula sa pagiging

bukambibig lang ng isang pilosopo tungo sa pagiging isang umuugong

na tinig ng kapangyarihan mula sa itaas, at ang mga turo

ng mga propeta ay naging ipinahayag na salita ng Diyos na gagabay

sa atin patungo sa ating tahanang Selestiyal. ... Sa pamamagitan

ng pananampalataya mauunawaan natin na anumang

bagay sa buhay na nakapag-aambag sa pamantayan ni Jesus na

“Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan

na sakdal” [Mateo 5:48] ay para sa ating kabutihan at walang

hanggang kapakinabangan kahit na nga ang paghubog na

iyon ay maaaring samahan ng matinding parusa ng pinakamarunong

na Diyos, “Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang kanyang

iniibig, at pinahihirapan ang bawat tinatanggap na anak.”

[Mga Hebreo 12:6.] 4

Dapat matutuhan ng bawat anak na ang sapat na pananampalataya

na makapagpapakasakdal ay matatamo lamang sa pamamagitan

ng sakripisyo at kung hindi niya matututuhang

isakripisyo ang kanyang mga hilig at [pisikal] na hangarin upang

makasunod sa mga batas ng Ebanghelyo, hindi siya mapapabanal

at madadakila sa harapan ng Panginoon. 5

Bakit kailangan ang araw-araw na pagsisisi?

Upang mapalago ang kabutihan dapat na linangin at gamitin

ito palagi, at upang tunay na maging mabuti kinakailangan ang

araw-araw na pagputol ng paglaki ng kasamaan sa ating pagkatao

sa pamamagitan ng araw-araw na pagsisisi mula sa kasalanan....

34

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!