17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 9

Pangulo ng Simbahan ay maysakit o hindi kayang gampanan

nang lubusan ang lahat ng tungkulin sa kanyang katungkulan,

ang dalawa niyang Tagapayo, na kasama niyang bumubuo sa

Korum ng Unang Panguluhan, ang gumagawa sa katungkulan ng

Panguluhan. Ang anumang mahalagang katanungan, patakaran,

programa, o doktrina ay may panalanging isinasaalang-alang sa

lupon ng mga Tagapayo sa Unang Panguluhan at Korum ng

Labindalawang Apostol. Walang desisyong manggagaling sa

Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa kung walang lubos

na pagkakaisa ang lahat ng kinauukulan. Sa pagsunod sa inspiradong

huwarang ito, ang Simbahan ay susulong nang walang

sagabal.” 2

Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon, maaari tayong

magtiwala nang lubusan sa patnubay ng buhay na propeta,

na tinawag ni Pangulong Lee na “tunay na sugo” ng

Panginoon. Itinuro ni Pangulong Lee na “kung ang mga anak ng

Panginoon, na kinabibilangan ng lahat ng nasa mundo, anuman

ang nasyonalidad, kulay, o paniniwala, ay makikinig sa tawag ng

tunay na sugo ng ebanghelyo ni Jesucristo,. . .darating ang panahon

na makikita ng bawat isa ang Panginoon at malalaman na

Siya nga iyon.” 3

Sa pagsunod sa propeta ng Panginoon, ligtas tayong makararating

sa ating talagang patutunguhan—ang kinaroroonan ng

ating Ama sa Langit.

Mga Turo ni Harold B. Lee

Sa anu-anong paraan nagiging tagapangalaga ng kaharian

ng Panginoon ang Pangulo ng Simbahan?

Laging tandaan na ang pinuno ng simbahang ito ay hindi ang

Pangulo ng Simbahan. Ang pinuno ng simbahang ito ay ang

Panginoon at Guro, si Jesucristo, na naghahari at namumuno.

. . . Sa lahat ng kaguluhang ito ay makatitiyak tayo na Siya

ang papatnubay, [sinasabi ko iyan] upang di natin malimutan. 4

“[Si Jesus] ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia:

na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa

lahat ng bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.” (Colosas

1:18.) Gayunma’y totoo na sa bawat dispensasyon na nasa lupa

94

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!