17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 15

Mga ina, kapag nagsisimulang magtanong ang mga anak

ninyo, kahit tungkol sa maseselang bagay sa buhay, huwag ninyo

silang isantabi. Mag-ukol ng panahon na ipaliwanag sa mura nilang

isipan, o habang lumalaki sila, sa mas matanda nilang isipan.

Ang matagumpay na ina ay iyong hindi kailanman

nagsasawa sa paglapit ng kanyang mga anak at pagbabahagi sa

kanya ng kanilang kagalakan at kalungkutan. 14

Dalangin ko na mapasainyo [mahal kong mga kapatid na babae]

ang mga pagpapala ng Panginoon. Mas malakas ang inyong

impluwensiya sa kapakanan ng Simbahang ito kaysa iniisip

ninyo. Ang paraan ninyo ng pagganap sa inyong tungkulin bilang

mga ina ang malaking batayan kung paano mapalalakad ang

Simbahan. Na nawa’y tulungan kayo ng Panginoon na gawin ang

gayon at magtayo ng matatag na pundasyon ng tahanan, ang aba

kong dalangin. Iniiwan ko sa inyo ang aking abang patotoo na sa

Simbahan ni Jesucristo matatagpuan ang mga turo at plano na

makapagliligtas sa ating mga tahanan, at pinatototohanan ko

iyan sa pangalan ng Panginoong Jesucristo. 15

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Anu-anong sakripisyo ang ginagawa ng isang ina para sa kanyang

mga anak? Anu-anong biyaya ang nagmumula sa gayong

mga sakripisyo?

• Sa paanong paraan napagpapala ng “matagumpay na pagiging

ina sa ngayon” ang mga darating na henerasyon sa kawalanghanggan?

• Ano ang ibig sabihin ng manatili sa sangandaan ng tahanan?

Bakit mahalagang nasa sangandaan ng buhay ng kanilang mga

anak ang mga ina?

• Paano naililihis kung minsan ng panggagambala at mabilis na

takbo ng buhay ang kababaihan sa kanilang mga sagradong layunin?

Paano mababawasan ang mga panggagambalang ito?

• Ano ang itinuturo ng mga kuwento tungkol sa ina ni Joseph

Smith at ina ni Pangulong Lee hinggil sa kung paano magiging

mabuting impluwensiya ang mga magulang sa kanilang

mga anak?

170

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!