17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

29

KABANATA 3

Inihambing ko iyon sa tagpong nasaksihan ko sa LDS Hospital

mga anim na buwan na ang nakalipas kung kailan isa sa mga minamahal

naming matapat na pangulo ng misyon ay unti-unting

naghihirap. Labis ang sakit na nadarama niya ngunit may galak sa

puso niya sapagkat alam niya na madalas, ay sa paghihirap natututuhan

ng mga tao ang pagsunod, at ang karapatan ng pakikipag-ugnayan

sa kanya na nagdusa nang higit pa sa pagdurusang

maaaring danasin ng sinuman sa atin. Nalalaman din niya ang kapangyarihan

ng nagbangong Panginoon.

Ngayon dapat nating tanungin mismo ang ating sarili, bilang

sagot sa itinanong ng Panginoon sa mga taong iyon noong kanyang

kapanahunan, “Ano ang akala natin kay Cristo?” at sunod ay

gawin nating mas personal at itanong, “Ano ang akala ko kay

Cristo?” Iniisip ko ba siya bilang Manunubos ng aking kaluluwa?

Iniisip ko ba nang walang pag-aalinlangan na siya ang nagpakita

sa Propetang Joseph Smith? Naniniwala ba ako na itinatag niya

ang Simbahang ito sa lupa? Tinatanggap ko ba siya bilang

Tagapagligtas ng sanlibutan? Tapat ba ako sa aking mga tipan, na

noon sa tubig ng pagbibinyag, kung aking nauunawaan, ay nangangahulugan

na ako ay tatayo bilang saksi niya sa lahat ng panahon,

at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar, saan man ako

pumaroon, maging hanggang sa kamatayan? 7

Bibiyayaan tayo ng Panginoon sa antas din ng pagsunod natin

sa Kanyang mga kautusan. Sinabi ni Nephi:

“Sapagkat masigasig kaming gumagawa upang makasulat,

upang hikayatin ang ating mga anak, at ang atin ding mga kapatid,

na maniwala kay Cristo, at makipagkasundo sa Diyos; sapagkat

nalalaman naming sa pamamagitan ng biyaya tayo maliligtas,

sa kabila ng lahat ng ating magagawa.” (2 Nephi 25:23.)

Maililigtas tayo ng dugo ng Tagapagligtas, ng Kanyang

Pagbabayad-sala, ngunit pagkatapos lamang na magawa nating

lahat sa abot ng ating makakaya na iligtas ang ating sarili sa pamamagitan

ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Ang lahat ng

mga alituntunin ng ebanghelyo ay mga alituntunin na may pangako

kung saan naipahayag sa atin ang mga plano ng

Makapangyarihan. 8

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!