17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

85

KABANATA 8

Dapat nating tanggapin ang banal na misyon ng Propetang

Joseph Smith bilang paraan sa panunumbalik ng ebanghelyo at

pagkakabuo ng Simbahan ni Jesucristo. Bawat miyembro ng

Simbahan, upang maging handa sa 1,000-taong pamamahala ni

Cristo sa lupa, ay kailangang tumanggap ng kani-kanyang patotoo

tungkol sa kabanalan ng gawaing itinatag ni Joseph Smith.

Ito ang buong kapayakang itinuro ng mga Banal matapos pumarito

ang Tagapagligtas sa lupa. Binanggit ito muli ng isa sa mga

pinuno ng ating panahon, nang sabihin niya, palagay ko bilang

pagtukoy sa talinghaga ng limang hangal at limang matatalinong

dalaga sa talinghaga ng Guro [tingnan sa Mateo 25:1–3],

“Darating ang panahon na walang sinumang lalaki ni babae na

makatatagal sa hiram na liwanag. Bawat isa’y kakailanganing magabayan

ng liwanag na nagmumula sa kanyang sarili.” [Orson F.

Whitney, Life of Heber C. Kimball (1945), 450.] 6

Kayo na nagsaliksik na mabuti sa mga banal na kasulatan, kayo

na naghangad na magkaroon ng patotoo ng banal na pagsaksi ng

Espiritu na karapatan ng bawat isa sa inyo na tanggapin sa pamamagitan

ng pagpapatotoo ng Espiritu Santo, maaaring taglay

ninyo. . .ang isa sa lubos na kapana-panabik na karanasan na maaaring

dumating sa inyo kapag sinabi ninyo sa inyong puso,

“Alam ko nang buong kaluluwa ko ngayon higit kailanman na si

Jesus ang Panginoon, ang Tagapagligtas ng daigdig, at si Joseph

Smith, ang martir, ay ang propeta ginamit ng Panginoon upang

pairalin ang Kanyang Simbahan sa panahong ito.” 7

Paano inihanda si Joseph Smith para sa kanyang

tungkulin bilang Propeta ng Pagpapanumbalik?

Si Joseph Smith ang inalagaan ng Panginoon mula pagkabata

at pinagkalooban ng banal na awtoridad at tinuruan ng mga bagay

na kailangan niya upang malaman at makamtan ang pagkasaserdote

at mailatag ang pundasyon para sa kaharian ng Diyos

sa mga huling araw na ito. 8

Batay sa kasaysayan, ang mga pinunong propeta ay pinipili

mula sa karaniwang kalakaran ng buhay, hindi mula sa mga taong

sinanay sa teolohiya sa mga seminaryo. Tingnan natin ang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!