17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Bakit kailangan nating sundin ang propeta?

99

KABANATA 9

Ngayon, nawa’y ito na ang araw upang pag-isipan nating mabuti,

na alalahanin ang sinabi na sa atin ng Panginoon. Ang

Kanyang propeta ay nasa lupa sa ngayon, at kung nais ninyong

malaman ang huling paghahayag na dumating sa mga taong ito,

kuhanin ninyo ang huling ulat sa komperensiya at basahing mabuti

lalo na ang sinabi ng Unang Panguluhan. ... Mapapasainyo

ang pinakamainam at pinakahuling salitang ibinigay mula sa

ating Ama sa Langit. Hindi tayo dapat umasa na lamang sa nakasaad

sa mga pamantayang banal na kasulatan ng Simbahan.

Bilang karagdagan sa sinabi sa atin ng mga banal na kasulatan,

nasa atin din ang sinasabi ngayon dito ng mga propeta sa panahong

ito. Tayo ang magpapasiya kung nais nating maligtas sa burol

ng Sion, kapag dumating ang mga panganib na ito, na

makinig at sumunod. 13

Kadalasan ngayon kapag naririnig nating nagsasalita nang may

kapangyarihan ang mga kapatid, may ilan sa atin na tumatayo

upang maghamon at sabihing, “Ngayon, saan naman ako makahahanap

ng mapagtatanungan tungkol sa sinasabi mo?”

Natutukso tayong magsabing, “Basahin mo ulit ang talumpati ng

kasalukuyang pinuno ng Simbahan tungkol sa paksang ito, at

siya ang awtoridad na hinahanap mo, dahil ito ang paraan ng

Panginoon. Narito ang Kanyang propeta, at ang paghahayag ay

kailangang-kailangan at katibayan ito tulad din ng ibang kapanahunan

ng alinmang dispensasyon ng ebanghelyo sa lupa.” 14

Ang tanging kaligtasan natin ngayon bilang mga miyembro ng

simbahang ito ay ang gawin mismo ang sinabi ng Panginoon sa

Simbahan noong araw na itatag ang Simbahan. Kailangan tayong

matutong makinig sa mga salita at kautusan na ibibigay ng

Panginoon sa Kanyang propeta, “tuwing siya ay tatanggap ng

mga ito, naglalakad nang buong kabanalan sa harapan ko;. . . na

parang mula sa sarili kong bibig, nang buong pagtitiis at pananampalataya”

(D at T 21:4–5). May ilang bagay na mangangailangan

ng pagtitiis at pananampalataya. Maaaring hindi ninyo

magustuhan ang nagmumula sa awtoridad ng Simbahan.

Maaaring salungat ito sa pananaw ninyo sa pulitika. Maaaring salungat

ito sa pananaw ninyo sa lipunan. Maaaring humadlang ito

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!