17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

149

KABANATA 13

“Nagkaroon ako ng mabigat na karamdaman noong nakaraang

taglagas. Sana’y hindi ito pagyayabang, ngunit sa kauna-unahang

pagkakataon ay natanto ko kung gaano ako kahalaga sa

aking mga anak. . . . Habang nakaratay ako’t walang magawa

upang asikasuhin ang alinman sa kanilang mga pangangailangan,

batid na maliban na lamang kung mamagitan ang aking

Ama sa Langit ang impluwensiya ko sa kanila sa buhay na ito’y

papatapos na, naging tila kapana-panabik at mahalaga ang mga

sandali sa mga linggo at buwan at taong darating.

“Marami akong nalaman noon sa kung paano gamitin ang

oras, kung ipagkakaloob pa ito sa akin. Ang isa’y ang lumikha ng

munting langit sa lupa, gugulin ang sandali sa gabi-gabing pagbabasa

at pakikipag-usap sa mga bata. ... Bukod sa iba pang bagay

na kinawiwilihan nila, binasa ko sa kanila ang halos buong

Aklat ni Mormon na pambata. ... Alam kong makabuluhan ito sa

kanila kapag naririnig ko ang walong-taong-gulang na anak kong

lalaki na nagpapasalamat sa kanyang mga panalangin para sa

mga propetang nag-ingat sa mga talaan, o kaya’y nagpapasalamat

ang anak kong lalaki na limang-taong-gulang na ligtas na nakatakas

si Nephi tungo sa ilang kasama ang matatapat noong tangkain

siyang patayin nina Laman at Lemuel. Naging karanasan na

namin na sa tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon na tulungan

ang aming mga anak na dagdagan ang kanilang pagmamahal

at pang-unawa sa ebanghelyo at sa Ama na lumikha sa kanila,

ang pagmamahal namin sa isa’t isa’y nadaragdagan din at malaki

ang nagiging impluwensiya nito sa pagkakaisa ng aming pamilya.

Dahil dito, ang lingguhang gabing pantahanan ng mag-anak ang

pinakamahalaga sa amin.” 19

Sa inyong mga tahanan, dalangin ko na sabihin din ninyo ang

sinabi ni Josue noong una: “Sa ganang akin at ng aking sangbahayan

ay maglilingkod kami sa Panginoon” (Josue 24:15).

Turuan ang inyong mga pamilya sa gabing pantahanan ng maganak;

turuan silang sundin ang mga kautusan ng Diyos, sapagkat

dito nakasalalay ang tanging kaligtasan natin sa panahong ito.

Kung gagawin nila iyan, ang mga kapangyarihan ng

Makapangyarihan ay bababa sa kanila tulad ng mga hamog mula

sa langit, at mapapasa kanila ang Espiritu Santo. 20

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!