17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 5

Tinutulungan tayong lahat ng Panginoon na pagsikapang matamo

ang patotong iyon na pinakamahalaga sa ating paghahanda

na makaalam. Kapag sa wakas ay makamit na natin ang dakilang

kaisipang iyon na si Joseph Smith ay isang propeta at ang

ebanghelyo ay totoo, ang lahat ng iba pang mahihirap maunawaan

ay parang matigas na yelo na matutunaw sa harap ng papasikat

na araw.

Paano natin inihahanda ang ating sarili

sa pagtanggap ng patotoo?

[Ang Tagapagligtas ay] naitalang nagsabi na “. . .ang kaharian

ng Diyos ay nasa loob ninyo.” (Lucas 17:21.) Marahil ang mas

wastong pagsasalin ay magsasabing, “Ang kaharian ng Diyos ay

nasa sa inyo o nasa gitna ninyo,” ngunit habang iniisip ko ang pahayag

na iyon, “Ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo,” naalala

ko ang karanasan ko sa isang grupo ng mga estudyante sa

Brigham Young University. . .doon sa Lion House, at doon ang labing-anim

na kinatawan mula sa labing-anim na dayuhang mga

bansa ay hinilingang tumayo at isalaysay kung paano nila nalaman

ang tungkol sa ebanghelyo at tinanggap ito,. . . at magbigay

ng kanilang mga patotoo. Isa itong lubos na nakapupukaw na

gabi. Napakinggan namin ang mga kabataang lalaki at babae

mula sa Mexico, Argentina, Brazil, mga bansang Scandinavia,

France at England. Pare-pareho ang kuwento. Nang simulan nilang

ikuwento kung paano nila natagpuan ang ebanghelyo, ito

iyon: Naghahangad sila ng katotohanan. Naghahanap sila ng liwanag.

Hindi sila kuntento, at sa gitna ng pagsasaliksik nila, may

nagdala sa kanila ng mga katotohanan ng ebanghelyo.

Ipinanalangin nila ito at hinanap ang Panginoon nang buong sigasig,

buong taimtim, ng kanilang buong puso, at natanggap ang

dakilang patotoo kung saan nalaman nila na ito ang ebanghelyo

ni Jesucristo. . . . Kaya sa puso ng bawat isa, bawat matapat na

naghahanap ng katotohanan, kung siya ay may hangarin na makaalam,

at pinag-aaralan ito nang mataimtim at may pananampalataya

sa Panginoong Jesucristo, ang kaharian ng Diyos ay

maaaring nasa puso niya, o sa madaling salita, ang kapangyarihan

na matanggap ito ay nasa kanya.

48

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!