17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

137

KABANATA 12

. . .Mangyari pa, nalaman natin na ang pagpunta lamang sa

templo nang walang angkop na paghahanda sa anumang paraan

ay hindi nagdudulot ng mga pagpapalang hangad natin. Ang walang

hanggang kasal ay nakasalalay sa kahustuhan ng isip at pananagutan

na—kasama ng endowment at mga ordenansa—ay

makapagbubukas sa mga pintuan ng langit upang dumaloy sa

atin ang maraming pagpapala.

. . .Ang kasal sa templo ay hindi lamang lugar na pinagdarausan

ng seremonya; ito’y buong oryentasyon sa buhay at pagaasawa

at tahanan. Ito ang kasukdulan ng pagbuo ng mga paguugali

sa Simbahan, kalinisang-puri, at ng ating personal na pakikipag-ugnayan

sa Diyos—at marami pang iba. Kung kaya ang

pangangaral ng tungkol sa kasal sa templo ay hindi sapat. Ang

ating mga gabing pantahanan ng mag-anak, seminary, institute at

pantulong na samahan ay kailangang maitatag tungo sa layuning

ito—hindi sa pamamagitan lamang ng panghihikayat— kundi sa

pagpapakita na ang mga pinaniniwalaan at pag-uugaling may kinalaman

sa kasal sa templo ay yaong mga makapagdudulot ng

uri ng buhay na tunay na ninanais ng bawat tao para sa kanilang

sarili dito at sa kawalang-hanggan. Kapag nagawa nang wasto,

maipakikita natin ang kaibahan ng “banal at ng karaniwan” [tingnan

sa Ezekiel 44:23] upang ang makapangyarihang likas na katutubong

ugali ng pagiging ina ay makita sa kabataang babae na

nalilito sa kaibahan ng mga banal na katutubong ugali at ng landas

ng paghahanap ng kasiyahan. Sa pamamagitan ng tunay na

paghatol at pinagsamang pagsisikap, maipakikita natin sa kabataang

lalaki na ang landas ng daigdig—gaano man kahali-halina

at gaano man kaganda ito lumitaw—ay landas ito ng kalungkutan;

ito ang landas na sa dakong huli’y bibigo sa kanyang matinding

paghahangad sa sarili niyang tahanan at sa mga kagalakan

ng pagiging ama. 15

Bagaman hindi nalulutas ng kasal sa templo ang lahat ng problema

sa buhay, gayunman, tiyak na sa lahat ng karapat-dapat na

pumapasok dito, ito’y nagiging kanlungan ng kaligtasan at angkla

ng kaluluwa kapag bumuhos nang matindi ang mga unos ng

buhay. ...

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!