17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 12

papala ng pagiging asawa o pagiging ina sa buhay na ito—na

nagsasabi sa kanilang puso, kung magagawa ko lamang ay gagawin

ko sana, o magbibigay ako kung mayroon lang sana ako,

ngunit hindi ko magawa dahil wala naman ako—pagpapalain

kayo ng Panginoon na tila ba nagawa ninyo, at bibigyang pagkakataon

ng mundong darating ang mga naghangad sa kanilang

puso ng mga matwid na pagpapala na hindi nila kasalanan na di

nakamtan. 12

Kayong mga maybahay na naghahangad na sana’y aktibo sa

Simbahan ang inyong asawa, naghahangad na sana’y narito sila sa

halip na magkimkim ng pait sa kanilang puso, nag-iisip kung ano

ang dapat gawin upang balang-araw. . .ay makasama ninyo sila sa

templo ng ating Diyos. At kayong mga asawang lalaki na naghahangad

na sana’y kasama ninyo ang inyong kabiyak. Sinasabi namin

sa inyo na kung mananatili kayong tapat, mamahalin ninyo

ang inyong asawa, at palagi kayong mananalangin sa gabi at

umaga, araw at gabi, ay darating ang kapangyarihan sa inyong

mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng kapangyarihan

ng Espiritu Santo, na karapatan ninyong tamasahin, kayo na nangabinyagan

at matatapat. Ang gayong kapangyarihan ay makapagdudulot

sa inyo ng kakayahan na pawiin ang

pakikipagsalungatan sa inyong mga kasama at mas ilapit sila sa

pananampalataya. 13

Ang ilan sa inyo’y magpapasiyang mag-asawa sa labas ng

Simbahan na lihim na umaasang mapagbabalik-loob ang inyong

kasama sa inyong pananaw sa relihiyon. Ang pagkakataon ninyong

lumigaya sa inyong buhay may-asawa ay mas malaki kung gagawin

ninyo ang pagpapabalik-loob bago magpakasal sa kanya. 14

Ano ang magagawa natin upang matulungan ang mga

kabataan na maunawaan ang mga pagpapala ng

kasal sa templo at maghanda para dito?

Ang bisa ng tahanan ng Banal sa mga Huling Araw ay nakasalalay

sa paraan ng ginawang kasal para sa tahanang iyon. Ang kasal

na para lamang dito at sa ngayon ay natural na magtuon

lamang sa daigdig na ito. Ang kasal sa kawalang hanggan ay may

kakaibang pananaw at saligan. ...

136

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!