17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

223

KABANATA 20

Paano matuturuan ng mga magulang ang kanilang

mga anak upang maunawaan at maipamuhay ang

batas ng kalinisang-puri?

Ang pinakamabisang pagtuturo sa simbahan ngayon ay ginagawa

sa pamilya kung saan ang responsibilidad ng ama at ina sa

tahanan ay ituro ang pangunahing alituntunin sa kanilang mga

anak habang maliliit pa ang mga ito: ang pananampalataya, pagsisisi,

pananalig sa Tagapagligtas, ang mga sinaunang alituntunin

ng kalinisang-puri, kabanalan, dangal, at iba pa. Ang pinakamalakas

na puwersang hahatak sa mga bata upang malayo sa mga

bagay na ito ng mundo ay ang takot na mawala sila sa kinalalagyan

sa samahan ng walang hanggang pamilya. Kung naturuan

sila mula sa kanilang pagkabata na mahalin ang pamilya at igalang

ang tahanan, magdadalawang-isip sila bago nila naising gawin

ang bagay na habampanahong hahadlang sa kanilang

pagiging kabilang sa walang hanggang tahanan ng pamilya. Sa

atin, ang kasal, pagkakaroon ng mga anak, kalinisang-puri, at kabanalan

ay ilan sa pinakamahahalagang katotohanan na nasa

atin—ang pinakamahahalagang bagay. 17

Tiniyak ba natin na sa pag-unlad ng munting kaluluwang ipinagkatiwala

sa atin, na hindi natin siya kailanman iniwan nang

hindi ginagamit ang kahustuhan natin sa gulang upang turuan

siya “kung paano” kumilos batay sa ating karanasan. Itinatag ba

natin, sa kanyang paglaki, ang pundasyon at balangkas ng matibay,

matagumpay, at maligayang buhay, o ipinaubaya natin ang

lahat sa kawalang-katiyakan ng pagbabakasali, at umasang kahit

paano’y pangangalagaan siya ng Maykapal habang nagkakaroon

siya ng mga karanasan?

Marahil maikikintal ng karanasan sa tunay na buhay ang kaisipan

na sinisikap kong simulan. . . . Isang batang piloto na magisang

lumilipad sa ibabaw ng paliparan sa palagiang

pagsasanay. . .ang biglang sumigaw, gamit ang radyo, sa opisyal

na nasa control tower: “Wala akong makita! Nabulag ako.” Kung

nataranta rin ang nasa control tower, tiyak na napahamak ang batang

piloto at ang mamahaling eroplano; ngunit, sa kabutihangpalad,

ang opisyal sa control tower ay may malawak na karanasan

na nakababatid na sa ilang pangyayari ay maaaring pansamanta-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!