17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

147

KABANATA 13

Dapat ituro nang wasto sa bawat anak kung paano gamitin ang

kanyang mga kamay at ulo at ipaunawa sa kanya na ang lahat ng

simbuyo ng damdamin ay kaloob ng Diyos at magagampanan

nito ang makalangit na layunin kung masusupil ito.

Dapat turuan ang bawat anak na gawing kapaki-pakinabang

ang kanyang oras sa paglilibang at ang oras na ginugugol sa paglalaro

ay dapat mayroong layunin o mithiin. Ito’y pagsasanay lamang

sa bahaging kanyang gagampanan sa kanyang buhay kapag

tumanda na siya.

Bawat anak ay dapat bigyan ng sapat na karanasan upang matutuhan

na ang di-makasariling paglilingkod ay nagdudulot ng

galak at ang gawaing ginagawa ng isang tao na walang kabayaran

ang siyang nagdudulot ng lubos na kaligayahan. 14

Dapat marinig ng ating mga anak, sa ating pribadong tahanan,

ang mga patotoo ng kanilang mga magulang. Napakatalino ng

ama o lolo na paminsan-minsa’y nagbibigay ng kanyang sariling

patotoo sa bawat isa sa kanyang mga anak, nang sarilinan! 15

Paano makatutulong ang mga gabing pantahanan ng

mag-anak sa mga magulang upang matupad nila ang

mga responsibilidad sa pagtuturo ng ebanghelyo?

Karagdagang diin hinggil sa pagtuturo ng mga magulang sa

mga anak sa tahanan ang ibinibigay ng tinatawag nating programa

sa gabing pantahanan ng mag-anak. Hindi na ito bago. . . .

Sa huling liham na ibinigay ni Pangulong Brigham Young at ng

kanyang mga Tagapayo sa Simbahan, hinikayat ang mga magulang

na tipunin ang kanilang mga anak at madalas na ituro sa kanila

ang ebanghelyo sa tahanan. Kung kaya’t hinihimok na

magkaroon ng gabing pantahanan ng mag-anak simula pa noong

itayo ang Simbahan sa dispensasyong ito. 16

Kung kaliligtaan nating idaos ang gabing pantahan ng maganak

sa ating pamilya at mabibigo tayo sa responsibilidad nating

ito, ano ang magiging hitsura ng langit kung mawawala sa atin

ang ilan sa kanila nang dahil na rin sa sarili nating kapabayaan?

Ang langit ay hindi magiging langit hangga’t hindi natin nagagawa

ang lahat sa abot ng ating makakaya na iligtas ang mga isinugo

ng Panginoon sa ating lahi. Kung kaya, ang mga puso

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!