17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

101

KABANATA 9

tanggap sa mga doktrina na nagmumula sa mga guro ng kabutihan

na binigyang-inspirasyon ng Tagapagligtas ding iyon. Kung

hindi natin matanggap ang mga kumakatawan sa Kanya dito,

hindi magiging madaling tanggapin ang Guro mismo, kung sakaling

magpakita Siya. ...

Noong nasa misyon pa ako, sumama minsan ang grupo naming

mga misyonero sa aming pangulo ng misyon sa Carthage

Jail. Sa pagkamangha sa kapaligiran kung saan namatay bilang

martir ang Propeta at ang kanyang kapatid na si Hyrum, hiniling

naming isalaysay niya muli ang mga pangyayaring humantong sa

pagmamartir. Labis akong humanga nang sabihin ito ng pangulo

ng misyon: “Nang mamatay ang Propetang Joseph Smith, marami

ang espirituwal na namatay kasama niya. Gayundin sa bawat

pagbabago ng pamamahala sa kaharian ng Diyos. Noong

mamatay si Brigham Young, marami ang espirituwal na namatay

kasama niya, at gayundin kay John Taylor, at sa pagpanaw ng bawat

Pangulo ng Simbahan.”. . .

Minsan tayo’y espirituwal na namamatay at inihihiwalay natin

ang ating sarili sa dalisay na espirituwal na liwanag at nalilimutan

na ngayon, dito at sa kasalukuyan, ay mayroon tayong propeta. 19

Ang katayuan ng mga sugong ito na pinagkalooban ng langit

na kumakatawan sa Panginoon sa bawat dispensasyon ng ebanghelyo

sa lupa ay mailalarawan sa pamamagitan ng pangyayaring

may kinalaman sa isang manlalakbay sa hilagang Europa. Ang

ating manlalakbay ay paalis na sakay ng barko mula Stockholm,

Sweden, na maglalakbay palabas sa Baltic Sea. Upang magawa

ito, kailangang dumaan ang barko sa libu-libo o marami pang

isla. Habang nakatayo sa itaas na palapag ng barko, natagpuan

ng manlalakbay ang kanyang sarili na nawawalan na ng pasensiya

dahil para sa kanya ay tila di ligtas ang landas. Bakit di dumaan

sa malapit sa islang ito o sa isa pa at mas kawili-wili kaysa

sa pinili ng piloto? Halos pagalit na niyang nasasabi sa kanyang

sarili na, “Ano ba’ng problema ng pilotong ito? Hindi ba niya

alam kung saan pupunta?” Walang anu-ano’y nakita niya ang mga

palatandaan sa itinakdang landas na tila mga hawakan ng walis

na nakalutang sa tubig. May taong maingat na gumalugad sa mga

daanan na ito at itinakda ang pinakaligtas na landas na daraanan

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!