17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 5

iyong patotoo ay maaaring maragdagan o kaya’y mabawasan, depende

sa iyo. Kung gayon, aalalahanin mo ba ang iyong pananagutan?

Sinabi ng Panginoon “Kung ang sinomang tao ay gagawa

ng kanyang kalooban, ay malalaman niya ang doktrina, kung ito

ay sa Diyos, o kung ako ay nagsasalita na mula sa aking sarili”

(Juan 7:17). 18

Walang tunay na nagbalik-loob na Banal sa mga Huling araw

ang maaaring maging imoral. Walang tunay na nagbalik-loob na

Banal sa mga Huling araw ang maaaring maging mapanlinlang, o

sinungaling, o magnanakaw. Ibig sabihin niyan na maaaring ang

isang tao ay may patotoo sa ngayon, subalit sa sandaling pababain

niya ang kanyang pagkatao sa paggawa ng mga bagay na salungat

sa mga batas ng Diyos, ito ay dahil sa nawala niya ang

kanyang patotoo at kailangan siyang magpunyagi upang mabawi

itong muli. Ang patotoo ay hindi isang bagay na nasa iyo ngayon

at nasa iyo palagi. Ang patotoo ay maaaring patuloy na magningning

hanggang sa tiyak na kaliwanagan, o ito ay maaaring patuloy

na mabawasan hanggang sa tuluyan nang mawala, depende

sa kung ano ang gagawin natin tungkol dito. Masasabi ko, na ang

patotoong inaangkin natin araw-araw ay ang bagay na magliligtas

sa atin mula sa mga patibong ng kaaway. 19

Paano nagiging angkla sa kaluluwa ang patotoo?

May pangyayari noong ministeryo ni [Cristo] kung saan taimtim

na ipinahayag ng Kanyang punong apostol, si Pedro, ang

kanyang patotoo at pananampalataya sa kabanalan ng misyon ng

Guro: “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.” Sumagot

ang Panginoon kay Pedro sa pamamagitan ng paghahayag na,

“. . .hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng

aking Ama na nasa langit” at sa yaong “bato”—o sa madaling salita,

ang ipinahayag na patotoo ng Espiritu Santo, ang paghahayag

na si Jesus ay ang Cristo—ang Kanyang simbahan ay itinatag,

at “ang tarangkahan ng impiyerno ay hindi papanig laban dito.”

(Mateo16:16–18.) 20

Parating na ang panahon at nakaharap na sa iyo

ngayon. . .kung kailan maliban na kayo ay may tiyak na patotoo

na ang mga bagay na ito [ang ebanghelyo, ang Simbahan, at iba

52

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!