17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 4

atin? Sinabi kay Nicodemo: “Maliban na ang tao ay ipanganak sa

tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng

Diyos.” (Juan 3:5.) Malinaw na ipinahiwatig ng Panginoon ang

dahilan kung bakit dapat ang pagbibinyag na Kanyang itinuro.

“At walang maruming bagay ang makakapasok sa kanyang kaharian;

anupa’t walang makakapasok sa kanyang kapahingahan

maliban sa mga yaong nahugasan ang kanilang mga kasuotan ng

aking dugo, dahil sa kanilang pananampalataya, at sa pagsisisi ng

lahat ng kanilang mga kasalanan, at sa kanilang katapatan hanggang

sa wakas.” (3 Nephi 27:19.)

Iyan ang dahilan kung bakit pinayuhan ni Pedro ang mga nakikinig

sa kanya, “Mangagsisi, at magpabinyag ang bawat isa sa

inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong

mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu

Santo.” (Mga Gawa 2:38.) Sapagkat sa pamamagitan ng pagbibinyag

ng isang nagtataglay ng karapatan, tunay ngang ang tumatanggap

ay masasabing naghugas ng kanyang kasuotan sa

dugo ng Anak ng Diyos, na nagbayad-sala sa mga kasalanan ng

lahat ng tatanggap sa Kanya at pumapasok sa pintuan ng pastol

ng mga tupa, sa pamamagitan ng pagbibinyag. “Subalit kung sila

ay hindi magsisisi,” ang malinaw na pahayag ng Tagapagligtas,

“sila ay kinakailangang magdusa kagaya Ko.” (D at T 19:17.) 11

Paano tayo ginagabayan ng Espiritu Santo tungo

sa kinaroroonan ng Panginoon?

Bawat nabinyagang miyembro ay napatungan na ng mga kamay

at ang mga elder, matapos na mapagtibay siya bilang miyembro

ng Simbahan, ay sinasabing, “Tanggapin ang Espiritu

Santo.” Pagkatapos marahil ay inuulit nila ang mga salitang binigkas

ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo nang sabihin Niya

sa mga ito ang tungkol sa Taga-aliw o Espiritu Santo, na darating:

Magpapaalala ito sa inyo ng lahat ng bagay. Magtuturo ito sa inyo

ng lahat ng bagay. Magpapakita ito sa inyo ng lahat ng bagay na

darating. [Tingnan sa Juan 14:26;16:13.] Kaya kung kayo ay pinagtitibay

ko bilang miyembro ng Simbahan, igagawad ko sa

inyo ang kaloob na Espiritu Santo, na magiging lampara sa in-

38

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!