17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

225

KABANATA 20

maseselang paksa, na kadalasan ay humihimok lamang sa mga

estudyante na mag-ekspirimento. Marahil di niya batid na sa kanyang

sala mismo dumarating sa araw-araw, sa pamamagitan ng

radyo, magasin, at telebisyon ang pangit, ngunit mga balatkayong

ideya ng pag-ibig at buhay, at kasal na, kadalasan, ay napagkakamalian

ng mga kabataan na landas tungo sa

kaligayahan. 18

Kayong mga ina, manatiling malapit sa inyong mga anak na babae.

Habang bata pa sila, huwag ninyong hayaang sabihin sa kanila

ng sinuman ang tungkol sa mga tinatawag na katotohanang

ukol sa kapangyarihang lumikha ng tao. Sa sandaling magsimulang

magtanong ang inyong maliliit na anak, ang mga bata tungkol

sa mumunting bagay na may intimasiya, maupo kayo at

kausapin sila tungkol sa mga bagay ayon sa abot ng kanilang

pang-unawa. Pagkatapos ay sasabihin nilang, “Sige po, Inay, salamat

po.” At ilang panahon pa kapag tinedyer na sila, magtatanong

sila muli, ngayo’y medyo mas malalim na. Sa gayo’y

magsisimula na silang makipagtipanan, at saan sila lalapit para

humingi ng payo? Kung nagawa ninyo ang inyong tungkulin, lalapit

sila’t magtatanong sa Ina kung ano ang payo niya doon at

dito, at sa gabi ng kanyang kasal, hihingi siya ng payo mula sa

kanyang ina, hindi sa kababaihang nasa lansangan.

At kayong mga ama, maging barkada ng inyong mga anak na

lalaki. Huwag kailanman isantabi ang inyong anak kapag nais niyang

hingin ang payo ninyo tungkol sa mga bagay na nais niyang

ikuwento sa kanya ng isang ama. Nariyan ang kaligtasan sa tahanan.

Nariyan ang kaligtasan ng inyong kabataan. Huwag ninyong

ipagkait sa kanila ang kaligtasang iyon, kayong mga ama at ina. 19

Ang isa sa mga bagay na dapat nating gawin sa pagtuturo sa

ating kabataan ay ikondisyon sila kung paano nila haharapin ang

tuksong dumarating sa sandaling hindi inaasahan. ...

Ang may pangunahing responsibilidad ay ang ama ng batang

lalaki. Hindi ibig sabihin nito na dapat gumising ang ama isang

umaga at tawagin ang kanyang anak na lalaki sa kanyang tabi at

sa loob ng labinlimang minuto ay sabihin sa kanya ang lahat ng

katotohanan ng buhay. Hindi iyan ang kailangan ng bata.

Kailangan niya ang isang ama na sasagot kapag nais niyang mag-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!