17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

47

KABANATA 5

mamamatay magpakailanman.” Pagkatapos ay tumingin Siya kay

Marta at sinabi Niya, “Pinaniniwalaan mo ba ito?” At mula sa kaibuturan

ng mapagkumbabang babaing ito, ay may napukaw na

damdamin at sinabi niya sa gayon ding pananalig na sinabi ni

Pedro, “Oo, Panginoon: naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang

Anak ng Diyos, na siyang paparito sa sanlibutan.” [Juan

11:25–27.]

Saan niya nakuha iyon? Hindi iyon nagmula sa pagbabasa ng

mga aklat. Hindi iyon nagmula sa pag-aaral ng teolohiya o agham

o pilosopiya. Siya ay nagkaroon ng saksi sa kanyang puso, tulad

din nang kay Pedro. Kung sumagot ang Guro, marahil ang sinabi

Niya, “Mapalad ka Marta, sapagkat hindi ipinahayag ito sa iyo ng

laman at dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit. Ang pinakamahalaga

sa lahat ng bagay na mapapasaiyo ay ang magkaroon

ng saksi sa iyong puso na ang mga bagay na ito ay totoo. 6

Marami ang hindi nakakita sa Tagapagligtas nang harapan sa

mortalidad, ngunit lahat tayo na nabiyayaang makatanggap ng

kaloob na Espiritu Santo matapos ang pagbibinyag ay magkakaroon

ng ganap na katiyakan na Siya ay buhay. Tunay nga, na kung

tayo ay may pananampalataya sa katotohanan na Siya ay buhay,

kahit na hindi natin nakita, tulad ng ipinahiwatig ng pahayag na

iyan ng Guro kay Tomas, higit na malaki ang biyaya ng “yaong

mga hindi nakakita, at gayon ma’y naniwala” (Juan 20:29), sapagkat

“tayo ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya,

hindi sa pamamagitan ng paningin” (II Corinto 5:7). Bagama’t

hindi nakikita, gayon pa ma’y naniniwala, tayo’y nalulugod sa kagalakang

di-mabikas sa pagtanggap ng bunga ng ating pananampalataya,

maging ng kaligtasan ng ating mga kaluluwa (tingnan

sa 1 Pedro 1:8–9). 7

Maibubuod ba natin ito at masasabi pagkatapos, na sinumang

tao na nakatanggap ng tunay na patotoo ay nakatanggap ng paghahayag

mula sa buhay na Diyos, o kung hindi ay hindi niya matatamo

ang patotoo? Ang sinumang may patotoo, kung gayon, ay

nagtatamasa ng kaloob na propesiya, nasa kanya ang espiritu ng

paghahayag. Nasa kanya ang kaloob kung saan ang mga propeta

ay nakapagsasalita ng mga bagay tungkol sa kanilang mga pananagutan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!