17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

49

KABANATA 5

Sa ugat ng bawat pansariling patotoo ay dapat may matwid at

dalisay na buhay, kung hindi ang Espiritu ay hindi makasasaksi

sa kabanalan ng misyon ng Panginoon o gawaing ito sa ating

panahon. 10

Ang unang pinakamahalaga. . .sa pagtamo ng patotoo ay ang

tiyakin na ang pansariling espirituwal na “katayuan” ng isang tao

ay nasa ayos na kalagayan. Kailangang malinis ang kanyang isipan

at katawan kung nais niyang tamasahin ang nakapananahanang

kaloob ng Espiritu Santo kung saan malalaman niya ang

katiyakan ng mga espirituwal na bagay. 11

Ang pagbabalik-loob ay dapat mangahulugan nang higit pa

kaysa sa pagiging “tagadala ng kard” lamang na miyembro ng

Simbahan na may resibo ng ikapu, kard ng pagiging miyembro,

rekomendasyon sa templo, atbp. Nangangahulugan ito ng pagsupil

sa mga pagkahilig na mamintas at patuloy na pagsisikap na

pagbutihin ang mga panloob na kahinaan at hindi lang mga panlabas

na kaanyuan. 12

Ngayon kapag lumalabas ang ating mga misyonero, sinasabi

natin sa kanilang mga tinuturuan, “Hindi namin hinihinging sumapi

kayo sa Simbahan para lamang mailagay ang inyong pangalan

sa talaan. Hindi iyan ang layunin namin. Lumalapit kami

sa inyo upang ihandog ang pinakadakilang kaloob na maibibigay

ng sanlibutan, ang kaloob ng kaharian ng Diyos. Ito ay narito sa

inyo kung tatanggapin at paniniwalaan lamang ninyo.” Ito ngayon

ang aming hamon sa sanlibutan. “Maituturo namin sa inyo

ang mga doktrina ng Simbahan ni Jesucristo at mapapatotohanan

sa inyo ang kadakilaan ng gawaing ito, subalit ang saksi sa

katotohanan na aming ituturo ay dapat manggaling sa inyong sariling

pagsasaliksik.”

Sinasabi natin sa mga taong ating tinuturuan, “Ngayon, tanungin

ninyo ang Panginoon. Mag-aral, magsikap, at manalangin.”

Ito ang proseso kung paano nadadala ang mga tao sa Simbahan,

at iyon din ang paraan mula sa simula kung paanong ang matatapat

ang puso saan man ay nadala sa Simbahan. 13

Sa pagtingala ni Jesus sa panalangin habang “[dumarating] na

ang kanyang oras,” [tingnan sa Juan 17:1] nagpahayag siya ng

malalim na katotohanan na dapat maging puno ng kahulugan sa

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!