17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 14

na malaman mong mahal kita, apo ko.” [Napanatag] ang maliit

niyang katawan na galit, at niyakap niya ako’t hinalikan niya ako

sa pisngi, at minahal niya ako. Nagapi ko siya dahil sa pagmamahal.

At di-sinasadyang nagapi niya ako dahil din sa pagmamahal. 9

Ang matagumpay na ina na may mga anak ay magsasabi sa inyong

kailangang mahalin ang mga tinedyer at dapat na lalong pakamahalin

kapag hindi sila kaibig-ibig. Isipin ninyo iyan, kayong

mga ama at ina. 10

Naaalala ko ang isang pangyayari sa sarili kong pamilya kung

saan ang isa sa aking mga batang apo ay pinuna ng kanyang ama

sa hindi niya pag-aayos sa kanyang silid, pagliligpit ng kanyang

higaan, at marami pang iba. Matapos iyon ay sinabi niya na may

damdamin ng pagsasaalang-alang na, “Eh, Itay, bakit ang nakikita

n’yo lang ay ang mga bagay na dapat punahin at di kailanman nakikita

ang mabubuting bagay na ginagawa ko?” Dahil dito’y nagisip

na mabuti ang ama, at nang gabing iyon inilagay niya sa

ilalim ng unan ng anak ang isang liham ng pagmamahal at pagunawa

na sinasabi sa anak ang lahat ng bagay na hinahangaan

niya sa kanya. Sa gayo’y nagsimulang pagalingin ang sugat na nalikha

ng palagiang pamumuna na di nagbigay-pansin noon sa

mabubuting bagay. 11

Naaalaala ko pa ang isang karanasan ko noong ako’y bata pa.

May mga baboy kami noon na naninira sa halamanan at nagdudulot

ng malaking pinsala sa taniman. Pinapunta ako ni itay sa

tindahan na dalawang milya ang layo upang bumili ng kagamitan

para malagyan namin ng hikaw ang nguso ng mga baboy.

Nahirapan kami sa pagsalikop sa mga ito at pagpapapasok sa kulungan,

at habang nilalaro-laro ko ang kagamitang ito na ipinabili

sa akin, sumobra ang diin ko dito at nasira ito. Tama lamang

kung pinagalitan ako ni itay noon ding oras na iyon, matapos

ang hirap at masayang ang salapi, subalit tumingin lamang siya

sa akin, ngumiti, at nagsabing, “Anak, sa tingin ko’y di natin malalagyan

ngayon ng hikaw sa nguso ang mga baboy. Pawalan mo

ang mga ito at babalik tayo bukas at susubukan natin muli.”

Mahal na mahal ko ang tatay kong iyon, hindi niya ako pinagalitan

sa munting pagkakamali ng isang musmos na disin sana’y

naglayo sa aming dalawa. 12

156

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!