17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 24

dapat pagsisihan bago kayo magbalik sa Kanya na nagbigay sa

inyo ng buhay? 17

Dito at ngayon sa mortalidad, bawat isa sa atin ay nagkakaroon

ng pagkakataong piliin ang uri ng mga batas na gugustuhin nating

sundin. Ipinamumuhay at sinusunod na natin ngayon ang

mga selestiyal na batas na magpapahintulot sa ating maging mga

kandidato para sa selestiyal na kaluwalhatian, o kaya naman ay

ipinamumuhay natin ang mga terestriyal na batas na magpapahintulot

sa ating maging mga kandidato para sa terestriyal na kaluwalhatian,

o telestiyal na batas. Ang lugar na ating kalalagyan

sa mga daigdig na walang hanggan ay mababatay sa pagsunod

natin sa mga batas ng iba’t ibang kahariang ito habang narito

tayo sa mortalidad sa mundong ito. 18

Paano kayo maghahanda sa pagharap sa Panginoon?. . . Sinabi

ng Panginoon, “Samakatwid, pabanalin ang inyong sarili upang

ang inyong mga isipan ay matuon sa Diyos, at darating ang mga

araw na inyo siyang makikita; sapagkat kanyang aalisin ang tabing

ng kanyang mukha sa inyo, at iyon ay sa kanyang sariling panahon,

at sa kanyang sariling pamamaraan, at alinsunod sa

kanyang sariling kalooban.” (D at T 88:68.) Narito ang pormula

na ibinigay niya sa atin sa isang paghahayag. . ., “Katotohanan,

ganito ang wika ng Panginoon: Ito ay mangyayari na ang bawat

kaluluwa na tatalikod sa kanyang mga kasalanan at lalapit sa

akin, at mananawagan sa aking pangalan, at susunod sa aking tinig,

at susunod sa aking mga kautusan, ay makikita ang aking

mukha at malalaman na ako na nga.” [D at T 93:1.] 19

Ano ang gantimpala sa taong namumuhay “nang karapatdapat

sa patotoo na buhay ang Diyos at si Jesus ang Cristo”?

Ang langit, tulad ng karaniwang naiisip natin dito, ay ang tahanan

ng mabubuti, matapos nilang lisanin ang buhay sa mundong

ito, at ang lugar kung saan nakatira ang Diyos at si Cristo.

Ito ang sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa masayang kalagayan

na ito, “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig

ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anomang mga bagay

na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya”

(I Corinto 2:9). 20

270

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!