17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

143

KABANATA 13

Sa panahong sinabi sa atin na magiging katulad na katulad ng

kapanahunan ni Noe, kailangan nating tulungan ang ating mga

anak na matutong gumawa ng mga tamang pagpili, na umunlad

sa makatuwirang pagpapahalaga sa sarili, lalo na kung sila’y mapasasailalim

sa tuwirang impluwensiya ng tahanan, kung saan

nagagawang posible at makabuluhan ng pagmamahalan sa tahanan

ang pagsisisi. Ang kapaligiran ng ating mga anak sa labas ng

tahanan at ng Simbahan ay kadalasang maaaring maging hungkag,

kung pag-uusapan ang mga pinahahalagahan, o dili kaya’y

magtataglay ng mga ideyang salungat sa mga alituntunin ng

ebanghelyo. 4

Sa mga magulang sa tahanan at sa Simbahan ay may ibinigay

na malaking responsibilidad na ituro ang mga katotohanan ng

ebanghelyo upang maging matatag ang bawat kaluluwa. Kung

wala ang gayong katatagan, ang tao ay magiging tulad ng “alon

sa dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad,” dinadala sa

magkabi-kabila ng mga hangin ng aral na di-tiyak ang pinagmulan

na magpapalito sa kanyang isipan hinggil sa bagay na mali sa

paningin ng Diyos [tingnan sa Efeso 4:14; Santiago 1:6]. Tayo

ang magiging pinaka-aral na tao sa balat ng lupa kung pakikinggan

natin ang mga atas ng Panginoon.

Kung mapatatatag nang gayon ang ating mga kabataan, hindi

sila mababagabag sa kanilang pananampalataya kapag may nakasagupa

silang mga maling ideya sa pag-aaral na salungat sa mga

katotohanan ng ebanghelyo. May armas silang panlaban sa mga

makamandag na palaso ng paninirang-puri at pagpapaimbabaw.

Ang mga kabataang lalaki. . ., kung nagabayan sa kanilang pagiisip

sa pamamagitan ng “pinakabatayang katotohanan,” ay hindi

susuko sa di-inaasahang sandali ng kahinaan sa isang tukso na

habambuhay na magiging batik sa kanilang pagkatao. ...

Ang mga batang magkasintahan na malapit nang ikasal, kung nagagabayan

ng mga kaisipang hatid ng katotohanan ng ebanghelyo,

ay mapababanal ang kanilang sarili sa pagsunod sa batas ng selestiyal

na kasal upang magkamit ng walang hanggang kaligayahan. 5

Sinabi ng Panginoon na hindi binigyan ng kapangyarihan si

Satanas na tuksuhin ang maliliit na bata, “hanggang sa sila ay

magsimulang magkaroon ng pananagutan sa akin” (D at T

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!