17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 15

hangga’t maaari, sa pagpaplano sa uri ng trabaho o sa iskedyul.

Lahat ng ito’y nakasalalay sa pakikitungo ng Samahang Damayan

na nakikipagtulungan sa tahanan. 7

Ngayo’y dama ko na nabibiktima ang mga babae ng bilis ng

takbo ng makabagong pamumuhay. Nasa pagkakaroon nila ng

damdamin ng isang ina at pagiging malapit sa kanilang mga anak

ang pagkaramdam nila sa pangangailangan ng kanilang mga

anak at pag-unawa sa unang palatandaan ng problema, ng panganib

at pagkaligalig, na kung mababatid kaagad ay magliligtas

sa kanila sa kapahamakan. 8

Nabasa kong muli kamakalawa ang mga salita ng kapuri-puring

ina ni Propetang Joseph noong gabing kunin niya ang mga

lamina. Ganito ang isinulat niya:

“Noong gabi ng [ika-21 ng Setyembre] gabing-gabi na’y gising

pa ako.... Lampas nang alas dose ng gabi nang matulog ako.

Nagpunta sa akin si Joseph nang dakong alas dose at nagtanong

kung mayroon akong kahon na may kandado at susi. Alam ko kaagad

kung saan niya gagamitin ito, at dahil wala ako niyon ay nabahala

ako at naisip kong napakahalaga niyon. Ngunit nang

malaman ni Joseph ang aking pagkabalisa ay sinabi niyang,

‘Huwag kayong mag-aalala, puwede naman kahit wala nito sa

ngayon—pumanatag lang kayo—magiging maayos ang lahat.’

“Pagkataps nito ay dumaan sa silid ang asawa ni Joseph na

suot ang kanyang bunete at damit na pambiyahe, at ilang sandali

pa’y magkasama silang umalis, tangay ang kabayo at bagon ni G.

Knight. Magdamag akong nanalangin at sumamo sa Diyos, dahil

di ako makatulog sanhi ng aking pagkabalisa. . . .” [Lucy

Mack Smith, History of Joseph Smith, inedit ni Preston Nibley

(1958), 102].

Sinasabi ko sa inyong mga ina, na kung mayroon kayong mga

anak na may halaga sa daigdig, ito’y di-hamak na mahalaga dahil

sa katotohanang ang inyong mga anak ay may inang nakaluhod

na dumadalangin sa gabi, nananalangin sa Diyos na ang kanyang

anak na lalaki, o anak na babae ay huwag mabigo. Naaalala ko pa

noong kapilyuhan ko noong tinedyer ako, na lumapit sa akin

ang aking ina na may kutob at babala na di ko pinansin tulad ng

ginagawa ng mga pilyong tinedyer. “Inay naman, di totoo ‘yan,”

166

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!