17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 24

II Timoteo 4:7–8.] Wala akong maisip na iba pang lubos na kaligayahan

sa buong mundo na hihigit pa sa gayong uri ng pagtanggap

sa piling ng Makapangyarihan, sa daigdig na darating. 11

Paano tayo naghahanda sa pagharap sa Panginoon?

Binigyan tayo ng Panginoon ng ilan pang araw o ilan pang buwan

o ilan pang taon sa paglipas ng panahon—hindi mahalaga

kung gaano katagal—dahil sa pagbibigay-sulit sa

Makapangyarihan, ang bawat araw ng paghahanda ay mahalaga.

Sinabi ng isang propeta, “Ang buhay na ito ang panahon para sa

mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos; oo, masdan, ang

araw ng buhay na ito ang araw para sa mga tao na gampanan ang

kanilang mga gawain. . . . Sapagkat masdan, kung inyong ipagpapaliban

ang araw ng inyong pagsisisi magpahanggang sa kamatayan,

. . .[ang] diyablo ay may buong kapangyarihan sa inyo.”

(Alma 34:32, 35.) 12

Kailangan nating tandaan na hindi gaanong malaki ang pagkakaiba

kung maaga man tayong mamatay o kaya’y sa kalagitnaan

ng buhay, ang pinakamahalaga ay hindi ang kailan tayo mamamatay,

kundi ang kung gaano tayo kahanda kapag tayo’y namatay.

Ito ang araw ng paghahanda para sa mga tao upang

maghandang humarap sa kanilang Diyos. Tunay na dakila at maawain

Siya sa pagbibigay sa atin ng panahon ng pagsubok kung

saan dapat ginagawang perpekto ng tao ang kanyang sarili. 13

Ngayon ang araw para simulan nating suriin ang ating kaluluwa.

Natuklasan na ba ninyo kung alin ang pinakamahalaga sa

lahat ng mga kautusan sa inyo ngayon?. . . Sisimulan ba ninyong

sundin ito ngayon? O maghihintay kayo hanggang sa mahuli na

ang lahat? Sabi ng batang lalaki, “Kapag malaki na ako, doon ko

gagawin ang ganito at ganyan.” At ano iyon? Kapag binata na

siya,. . . sasabihin niyang, “Kapag nag-asawa na ako, gagawin ko

ang ganito at ganyan.” At kapag nakapag-asawa na siya, magbabago

nang lahat, at “Kapag nagretiro na ako.” At matapos siyang

magretiro, may malamig na hanging iihip sa kanya at bigla ay huli

na nang malaman niyang nawala nang lahat sa kanya. At huli na

ang lahat. Bagama’t sa buong buhay niya ay nasa kanya ang lahat

ng pagkakataon. Hindi nga lamang niya sinamantala ito. Ngayon,

268

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!