17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

257

KABANATA 23

Kung ang buong kahulugan ng makapigil-hiningang pangyayaring

ito ay mauunawaan sa panahong ito kung kailan, tulad ng

naipropesiya ng mga propeta: Naghahanda ang masasama upang

patayin ang masasama; at “takot ang mananaig sa bawat tao” (D

at T 63:33), ang pang-unawang ito ang papawi sa maraming takot

at pagkabahala na dinaranas ng mga tao at bansa. Tunay na

kung “mangatakot kayo sa Dios, igalang ninyo ang hari” [tingnan

sa 1 Pedro 2:17] ay makakamtan natin ang maluwalhating pangako

ng Guro: “Yayamang sinisikap ninyong alisan ang inyong

sarili ng mga inggit at takot, . . .inyo Akong makikita” [tingnan sa

D at T 67:10]. 2

Ang layunin ng buhay ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan

at buhay na walang hanggan [tingnan sa Moises 1:39].

Ngayon, ang ibig sabihin ng kawalang-kamatayan ay magkaroon

sa dakong huli ng katawan na hindi na daranas pa ng mga sakit

ng mortalidad, hindi na sasailalim pa sa isa pang mortal na kamatayan,

at hindi na mababago pa ng maling akala o palagay, lahat

ng mga bagay na ito noong una ay mapaparam. 3

Paano tayo itinataguyod ng kaalaman ng pagkabuhay na

mag-uli sa mga panahon ng pagdurusa o kamatayan?

Nakadama na ba kayo ng espirituwal na pagkawasak na dulot

ng di-mapawing pagdadalamhati?

Hayaan ninyong dalhin ko kayo sa isang sagradong tagpo na

nagpapakita sa isang taong tila binawian na ng lahat ng nasa

kanya at nagpapadama sa inyo ng kanyang lakas sa makasaysayang

sandali! Nakasiksik sa paanan ng krus ang isang tahimik na

katauhan ng isang magandang ina na nasa kalagitnaan ng kanyang

edad na may balabal na bahagyang nakabalot sa kanyang

ulo at balikat. Buong kalupitang pinahirapan sa krus sa gawing

uluhan niya ang kanyang panganay na anak na lalaki. Bahagya lamang

mauunawaan ng tao ang tindi ng paghihirap ni Maria na

may pusong-ina. Tunay na kaharap niya ngayon ang malungkot

na ibinabadya ng matandang si Simeon nang basbasan niya ang

anak na ito noong sanggol pa lamang, “Siya ang pinakatandang

tudlaan ng pagsalangsang; Oo, at paglalampasanan ng isang tabak

ang iyong sariling puso.” [Tingnan sa Lucas 2:34–35.]

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!