17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 2 4

Ligtas na Nakauwi sa Wakas

Nasa ligtas ba tayong landas patungo sa ating walang

hanggang tahanan at buhay sa piling ng Ama?

Pambungad

Sa kabuuan ng kanyang ministeryo, binigyang-diin ni Harold B.

Lee ang turong ito: “Ang bagay na pinagsisikapan natin ay ang panatilihin

ang ating sarili at mamuhay nang nararapat upang balang-araw

ay makabalik tayo sa Diyos na nagbigay sa atin ng

buhay—pabalik sa piling ng walang hanggang Ama sa Langit.” 1

Paggunita pa niya: “May nabasa ako kamakailan na isang lathalain

na isinulat ng isang tanyag na manunulat sa pahayagan na

nagpaliwanag kung paano siya nakipag-ayos para sa makabuluhang

pag-uusap sa ilang tao na nais niyang makapanayam.

Nagtanong siya ng tulad nito: ‘Maaari ba ninyong sabihin sa akin

ang nais ninyong maisulat sa inyong lapida?’ Iniulat niya na marami

ang sumasagot ng tulad ng ‘magsaya ka,’ ‘nagpunta sa isa

pang pulong,’ at marami pang iba. Pagkatapos ay tinanong ang

manunulat kung ano ang nais niyang maisulat sa kanyang lapida.

Tahimik at buong-puso siyang sumagot, ‘Ligtas na nakauwi,

sa wakas.’

“Kapag nakintal na sa ating isipan ang buong kahalagahan ng

pangungusap na ito, maaari din nating itanong sa ating sarili,

‘Pagkatapos ng lahat, ano nga ba ang kabuluhan ng buhay, at ano

ang aasahan natin sa kabilang buhay, kung naniniwala tayo, tulad

ngayon, sa kabilang buhay?’ Halos lahat, ano man ang kanyang

pananampalataya, ay umaasam sa buhay sa hinaharap na

maaaring ilarawan sa iba’t ibang paraan. Kung tama ang palagay

ko, kung gayon, nanaisin nating lahat na maisulat sa ating mga

lapida, bilang pahimakas ng ginawa natin sa buhay, na tayo’y ‘ligtas

na nakauwi, sa wakas.’ ” 2

263

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!